Suspek sa rape-slay sa lola sa Rizal, tiklo

Share

ARESTADO ang isang lalaki sa loob lamang ng 36-oras matapos ang agarang follow-up investigation at hot pursuit operation hinggil sa panghahalay at pagpatay sa isang lola sa Morong, Rizal.

Ayon kay PCol. Eleazar Barber, provincial director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), nangyari ang krimen sa isang madamong lugar noong madaling araw ng Mayo 18, 2026.

Batay sa imbestigasyon, huling nakitang magkasama ang 67-anyos na biktima at ang 29-anyos na suspek habang nag-iinuman kasama ang asawa at anak na lalaki ng biktima bago nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Dagdag pa ng mga pulis, sinuntok ng suspek na si alyas Jay at nawalan umano ng malay ang asawang lalaki kasunod ng pagkaladkad nito sa biktima sa madamong lugar malapit sa bahay.

BASAHIN  Pahinante kulong sa baril  at ₱365-K shabu sa Taytay

Alas-4 ng madaling araw nang magising ang asawang lalaki, hinanap ang asawa at natagpuan ito na may matinding pinsala sa ulo at walang suot na pang-ibaba na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay.

Sa pinagsanib na pwersa ng Morong Municipal Police Station at Binangonan Municipal Police Station at sa tulong ng social media post at mga concerned citizen, mabilis na natukoy ang pinagtataguan ng suspek sa bayan ng Binangonan.

Hindi na nakapalag pa nang posasan ang suspek sa karumal-dumal na panggagahasa at pagpatay sa biktima nang matunton ito noong Mayo 19, 2026.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Morong PNP habang inihahanda ang kaukulang mga dokumento para sampahan ng kasong rape with homicide.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

NAIA, isasapribado na?

OO at HINDI. Ito ang sagot kung isasapribado na ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Oo, isasapribado na, pero ang operasyon lamang at maintenance...