Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

Share

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad.

Ito’y matapos masawi ang isang 34-anyos na lalaki na nagtangkang magnakaw ng kable ng kuryente madaling araw noong Abril 25, 2026 sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Dahil sa pangyayari, 6,000 kustomer ang naapektuhan, ngunit ayon sa kumpanya, agad namang naibalik ang serbisyo ng kuryente makalipas ang halos dalawang oras na pagkukumpuni.

Kaya muling nagpaalala ang Meralco na ang ganung uri na mga aktibidades ay lubhang mapanganib at labag sa umiiral na mga batas.

“Lubhang mapanganib at mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagnanakaw ng mga pasilidad ng kuryente kagaya ng mga kable. Hinihikayat namin ang lahat na makipagtulungan sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na serbisyo ng kuryente,” ang pahayag ni Meralco Vice President at Head ng Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.

BASAHIN  Meralco balik-serbisyo matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan

Ayon pa kay Zaldarriaga, sa ilalim ng Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994, ang pagnanakaw ng mga [materyales] sa mga pasilidad ng kuryente gaya ng kable ay may parusang hindi bababa sa 12 taon na pagkakakulong at multa mula 50,000 hanggang 100,000.

“Ang mga bumibili naman ng mga [ni]nakaw na mga [materyales] sa pasilidad ng kuryente ay mananagot sa ilalim ng Anti-Fencing Law at maaaring maparusahan ng pagkakakulong,” dagdag pa ni Zaldarriaga.

Maaaring i-report ng mga customer ang anumang kahina-hinalang aktibidad may kaugnayan sa mga pasilidad nito sa pamamagitan ng MyMeralco app, o sa mga opisyal na social media account sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X (@meralco).

Maaari rin silang magtext sa 09209716211 o 09175516211, o tumawag sa Meralco Hotline 16211.

IBA PANG BALITA

iACADEMY team advances to ASEAN AI Hackathon 2026 Regional Top 40

A team of students from iACADEMY has secured a place in the Regional Top 40 of the ASEAN AI Hackathon 2026, a prestigious competition...

CITEM activates strategic partnerships to drive export success

ADVANCING its mission to uplift Philippine enterprises, the Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) led a promotional conference on the China-ASEAN Expo...

Ortigas Malls honors Filipino artists who have made their mark on the global stage at the 128th Independence Day, Artistry & Legacy: A Tribute...

IN celebration of Independence Day, Ortigas Malls honors the visionary Filipino artists who have carried the nation’s creative and independent spirit onto the global...

13K tablets, school supplies ipinamahagi ni PBBM sa San Juan

MAY kabuuang 13,000 tablet ang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng San Juan sa mga mag-aaral at ipinakita kung paano ma-access ang...

NCMF may 2 bagong komisyoner na Maguindanaon

DALAWANG bagong komisyoner ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tubong Maguindanao bilang tugon sa pantay...

Pagbabago ng konstitusyon, malalimang pag-aaral ang dapat—Carlos

NANINIWALA si Political Science professor Clarita Carlos na isang malaking puntos ang pagbabago ng konstitusyon ng bansa kaya naman hinihikayat niya ang mga mambabatas...