Meralco nagbabala laban sa kumakalat na fake refund transfer sa e-wallet

Share

NAGBABALA ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa kumakalat na pekeng refund sa pamamagitan ng text messages na ipapadala umano sa e-wallet.

Ayon sa ipinadalang opisyal na pahayag ng kumpanya, ang nasabing text scam ay mayroong URL link na kung iki-click ng makakatanggap ay mapupunta sa isang phishing site.

Puwedeng malaman ng mga phishing site na ito ang mga mahahalagang personal at financial information na magagamit ng mga scammer.

Sinabi ng tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, na ang ipinapadala umano na mga pekeng mensahe ay may kinalaman sa “adjustment refund” na magmumukhang galing sa lehitimong e-wallet platform.

Nilinaw ni Zaldarriaga na hindi gumagamit ang Meralco ng e-wallet o anumang third-party platform para mag-proseso ng refund, sa halip ito ay ia-apply direkta sa monthly bill ng kustomer.

“Hindi nagpapadala ang Meralco ng refund sa pamamagitan ng text message at hindi kailanman hihingiin ng kumpanya ang detalye ng e-wallet ng mga customer para dito,” ang pahayag ni Zaldarriaga.

BASAHIN  Nalulugod si Marcos sa US$1-B investment ng Coke

“Pinapaalalahanan namin ang aming mga customer na mag-ingat sa pagbabahagi ng kanilang mga personal na impormasyon at huwag mag-click ng mga kahina-hinalang link sa text at email,” dagdag pa ng tagapagsalita.

Hinihimok ng Meralco ang mga kustomer nito na makipag-transaksyon lamang sa kanilang mga business center at iba pang opisyal na communication channel.

Para sa mga opisyal na anunsyo at pahayag, hinihikayat ang mga customer na sundan ang mga opisyal na social media account ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X na kilala dati bilang Twitter (@meralco).

Maaari rin umanong sumangguni sa kanila sa pamamagitan ng pag-text sa 0920-9716211 o 0917-5516211 o pagtawag sa Meralco Hotline 16211.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Pera sa basura, ibinida sa bagong teknolohiya mula Slovakia

IBINIDA kamakailan ng mga inhinyero, lider-negosyante at isang kompanya mula sa Slovak Republic o kilala bilang bansang Slovakia, ang isang bagong-bago na pamamaraan para...