Matagal na pala itong bulong-bulungan mga ka-Brabo na meron palang magandang lalaki na konsehal ng Pasig mula sa Distrito Uno ang nagpatayo ng bahay sa Distrito Dos.
Ayon sa ating tsismosong kainuman eh palihim pala itong bumili ng lote at pinatayuan ng bahay sa halagang limpak limpak na milyones!
Ang tanong ay ito. Bakita kaya kinailangan niyang pumasok sa kabilang Distrito?
May narinig kasi tayo mga ka-Brabo na may balakers daw itong si Konsi na magpalawak ng kaniyang nasasakupan.
Dinig natin, siya ay may balak mamasyal sa uniberso kung saan ang dalawa sa tatlong posisyon ay kaniya umanong pinag-iisipan.
Ang isang posisyon kasi ay mukhang hindi babagay sa kaniya, pero kung pipilitin…bakit hindi.
Ang lalaking konsehal na ito ay si…
Oo nga pala mga ka-Brabo. Umpisa pa lang ito sa dumaraming chizmax na ibabahagi namin sa inyo.
Si Konsi ay may busilak na puso…
Maiba ako sandali. Totoo daw ba na umuusad na ang DQ case ni MVS?
Magaling din makisama itong si Konsi at dati itong…
Alam nyo ba mga ka-Brabo na ito daw palang si VM Dots ay nagpipigil lang?
Oooops, ibang topic na ‘yon.
Ang konsehal na ito si…
Sino sa palagay nyo mga ka-Brabo?



