Teachers’ Day sa Marikina may libreng pelikula, merienda

Share

BILANG pagkilala sa ambag ng mga guro, nilibre sila ng lokal na pamahalaan ng sine at meryenda sa buong araw na programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Marikina Teachers’ Day, Biyernes, Disyembre 12.

Dahil sa kanilang mga sakripisyo, sinabi ni Mayor Maan Teodoro na angkop lamang na bigyan sila ng maghapong kaaliwan kung saan may snacks sila habang ini-enjoy ang pananood ng sine sa SM City Marikina.

“Sa lahat ng mga sakripisyo at pagpapagod ng ating mga guro, tumulong sila sa paghubog ng ating mga kabataan, kaya ito ay simpleng pagkilala at pagbibigay ng pasasalamat sa mga guro natin [kapuwa sa pampubliko at pribadong paaralan], lalo na ngayong Pasko,” ang pahayag ni Teodoro.

Sa tuwing sasapit ang ikalawang Biyernes ng Disyembre taun-taon ay ipinagdiriwang ng lungsod ang Marikina Teachers’ Day alinsunod sa City Ordinance No. 21, series of 2020 na pinagtibay ng konseho.

“Kinikilala natin na ang mga guro ang nagsisilbing ikalawang magulang ng ating mga anak na hinuhubog ang kaisipan at hinuhulma ang mabuting pag-uugali bilang gabay sa buhay ng mga bata,” ayon pa sa alkalde.

“Ang sakripisyo nila ay hindi matatawaran kaya angkop lamang na ipadama natin sa kanila ang ating pasasalamat kahit sa maliit na bagay lamang tulad nito upang madama rin nila kung gaano sila kahalaga sa atin,” dagdag pa ni Teodoro.

BASAHIN  179-M car plates, naka-tengga pa rin sa LTO

Upang ma-enjoy ng mga titser ang okasyon, idineklara ng lokal na pamahalaan na “walang pasok” ang Disyembre 12 sa lahat ng antas, pribado at pampubliko.

Binigyang-diin ni Teodoro na ang espesyal na araw ay magsisilbing pagkilala sa mahalagang papel ng mga guro upang hindi lamang turuan ang mga bata kundi nagpapatibay rin ito sa ugnayan ng mamayan sa komunidad.

“Ang ating mga guro ay araw-araw na nasa silid-aralan sa buong taon, dala-dala ang responsibilidad na tulungan ang mga estudyante na maging kapaki-pakinabang na bahagi ng ating bayan sa hinaharap,” giit pa ng punong lungsod.

“Sa araw na ito, kinikilala natin ang taimtim na mga pagsisikap ng ating mga guro kaya angkop lamang na hindi muna sila papasok, mag-enjoy at makisalamuha hindi lamang sa kanilang mga kapuwa guro kundi pati na rin sa kanilang pamilya at mga kaibigan,” pagtatapos ni Teodoro.

LATEST STORIES

PLDT to block over 100 sites streaming school shootings, extreme violence

TELECOM giant PLDT Inc. and its wireless subsidiary Smart Communications are moving to block over 100 websites streaming school shootings and extreme violence, a...

Three arrested in Makati night patrol; illegal gambling, firearms, and drugs seized

POLICE officers arrested three men during a late-night anti-criminality operation in Makati City after a local resident tipped them off to an ongoing illegal...

Manila FAME 2026 set to capture new era of global design

AS artificial intelligence and rapid automation reshape global production, a growing counter-movement is driving demand for handcrafted, authentic design. Consumers worldwide are increasingly seeking pieces...

Japan credit rating agency affirms PH’s A- rating, reinforcing investor confidence

JAPAN-based credit rating agency Rating and Investment Information, Inc. (R&I) has affirmed the Philippines’ A- investment-grade rating with a stable outlook, citing the nation's...

Philippines leads regional push for stronger public finance systems for children

THE Philippines has reaffirmed its leadership in advancing child-responsive public financial management by hosting a regional knowledge-sharing exchange aimed at optimizing public resources for...

Child Rights Network nagbabala laban sa vapedemic

LUBHANG nababahala ang Child Rights Network (CRN) sa paglaganap ng mga gumagamit ng electronic cigarettes o vapes na kung saan tumataas na ang bilang...