Earthquake drill sa Marikina nilahukan ng 150,000 residente, estudyante

Share

UMABOT sa 100,000 mga estudyante at 50,000 katao mula sa iba’t ibang komunidad at priabadong sektor ang lumahok sa isinagawang earthquake drill na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Marikina bilang paghahanda sakaling dumating ang “The Big One” sa Metro Manila.

Ayon kay Mayor Maan Teodoro nakapokus aniya ang isinagawang pagtugon sa sakuna sa bawat pamilya at komunidad kaya ang pinagsamang mga kalahok ay mula sa mga opisina ng lokal na pamahalaan, paaralan, negosyante at iba pang establisyemento.

Bilang bahagi ng nasabing earthquake drill, nagsagawa ng inspeksyon ang alkalde sa mga pag-aari ng lokal na pamahalaan na gagamitin sakaling dumating ang sakuna tulad ng City Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) vehicles, mga ambulansya, fire trucks, at itatayong mga field hospital at command posts.

BASAHIN  31 pamilya nasunugan ng bahay sa Marikina

Tiniyak din ni Teodoro na sapat ang mga tauhan at kagamitan ng lungsod lakip na ang urban search and rescue tools and equipment tulad ng vibroscope (instrumentong ginagamit para malaman na may vibration at matunton ang pinagmulan nito) na karaniwang ginagamit sa mga biktima sa ilalim ng mga gumuhong gusali.

“Ang kaligtasan ng lahat ay tungkulin ng bawat isa. Dapat lagi tayong sama-sama at tulong-tulong at buong komunidad. Ito ang tinatawag natin na ‘whole-of-community approach’ sa iisang layunin—alagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat taga-Marikina,” ang pahayag ni Teodoro.

Sinabi pa ng punong lungsod na napakahalaga aniya na isagawa sa tuwi-tuwina ang citywide earthquake drill, hindi lamang para sa impormasyon, kundi idiin sa lahat ang pagkaapurahan, disiplina at espiritu ng bayanihan sa mga mamamayan.

IBA PANG BALITA

Jay Sonza inaresto ng NBI sa kasong cyber libel

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza kaugnay sa kinakaharap nitong kaso na...

₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVIs sa Rizal

APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy....

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Hulihin, gumagamit ng kotseng may plakang ‘8’

SINABI ni General Reginald Velasco, House Secretary na ang House ofRepresentatives na ilegal ang paggamit ng protocol car plante na “8” dahil hindiraw naglabas...