KWF ARAW NG PARANGAL 2026

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín sa Hasang ng Lupà” kung saan tatanggap siyá ng 30,000, tropeo, at medalya.

Samantala, nagwagi naman si Joseph Cemena ng Ikalawang Gantimpala pára sa kaniyang tulang “Lubid ng mga Tinig” at may matatanggap siyáng 20,000 at plake.

Nanalo rin si Romeo Peña sa kaniyang tulang “Mina Extraer” ng Ikatlong Gantimpala, at maliban sap lake, makakatanggap siyá ng 15,000.

Itinanghal naman bilang ‘Mga Karangalang Banggit’ sina Emersan Baldemor sa kaniyang tulang “Panagdait Field Theory” at Mark Anthony Angeles sa kaniyang tulang “Mga Ártepákto ng Naritó at Ngayón.”

Si Nacino ay kasalukuyang nag-aaral sa Saint Louis University sa Baguio City na may kursong Bachelor of Science in Medical Laboratory Science.

Nagsilbi rin siyang Punong Patnugot ng “Ang Banaag” na opisyal na lathalain ng Bangui National High School sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Nakapaglathala ng tatlong akdang pampanitikan sa Bannawag Magazine (ng Manila Bulletin Publishing) at nagwagi sa iba’t ibang timpalak sa pagsulat ng tula gaya ng Mga Tala at Tula at Maestra Mercedes Pundador Awards.

Ang Talaang Ginto: Makata ng Taón ay isang patimpalak sa pagsúlat ng tulâ na itinataguyod ng KWF na naglalayong pasiglahín at pataasín ang urì ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilála sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulâ.

Ang KWF ARAW NG PARANGAL 2026 ay gaganapin sa Abril 29, 2026.

IBA PANG BALITA

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

BUKAS na ang Help Desk ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa VMall, Greenhills sa San Juan City para sa Micro, Small and...