P81-K  shabu nasabat sa tulak ng Valenzuela 

Arestado ang isang 40-anyos na taga-Maynila matapos nalambat sa ikinasang buy bust operation at makuhanan ng P81,600.00  halaga ng shabu, kahapon sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Kinilala ni PCol. Salvador Destura ang suspek sa alyas na “Jay-R”, residente ng Barangay 730 Malate, Manila.

Ikinasa ng mga tauhan ng station drug enforcement unit (SDEU) sa pangunguna ni PCpt. Joel Madrigalejo,  katuwang ang ilang operatiba ng PDEA na may suot na Body Worn Camera (BWC) na nagsagawa ng buy-bust operation bandang 4:50 sa kahabaan ng Liwayway St., Barangay Marulas, Valenzuela City.

Matapos ang naganap na transaksyon mula sa suspek at sa pulis na umaktong buyer, agad na dinamba ang suspek makaraang ang palitan ng ebidensya.

Nakumpiska mula sa suspek ang umaabot sa P81,600.00 halaga ng shabu na nasa 12 gramo, siyam na piraso ng P1,000 

boodle money, P1,000 buy bust money, isang coin purse, isang unit  Honda Click with MV File no. 1336-00000650489 with keys and helmet.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Valenzuela custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 na isinampa sa Valenzuela City Prosecutors Office

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...