Diskresyon ng pulis maaaring gamitin para hindi makulong ang inosenteng drayber

Share

AYON sa batas, may diskresyon pala ang mga pulis na hindi na kailangang ikulong at sampahan ng kaso ang mga drayber na inosente sa mga insidente na kahit sino ay hindi kayang kontrolin.

Kuning halimbawa na lamang itong nangyari sa LRT FPJ Station kung saan nagpatihulog ang isang estudyante, bumagsak sa harapan ng kotse, nasagasaan at nakaladkad na posibleng naging sanhi ng pagkamatay nito.

Kahit sino ang tanungin mo, lahat ay magsasabing walang nangyaring reckless driving o kawalang ingat na pagmamaneho dahil sino ba naman ang mag-aakala na babagsak na lamang sa harap niya ang isang katawan ng tao.

Sabi nga ng ilan sa social media, dapat daw ay sa taas na ngayon nakatingin ang mga drayber at hindi na sa kalsada baka nga naman daw biglang may mahulog galing kung saan-saan.

Nakakatawa isipin minsan pero ito ang realidad sa buhay kalsada ng mga motorista kung saan ayon sa mga otoridad ay biktima lang din ng pagkakataon.

BASAHIN  Genuine public service sa Cainta

Kaya hindi minsan natin lubos maisip na bakit ito ang nangyayari, eh yon pala naman ay puwede nang hindi sampahan ng kaso ng mga pulis ang walang kasalanang drayber.

Minsan daw kasi, para lang may mai-report eh ikulong na nlang nila, ipaubaya sa taga-usig o prosecutor kung may probable cause at hayaang ang judge na o hukom ang magpasya kung may kasalanang ba o wala ang drayber.

Iyan ay kahit na obvious na obvious na na walang kasalanan ang kawawang drayber.

Ang masaklap pa dito, minsan ay medyo natatagalan ang pagkakadetine ng drayber na biktima lang din ng pagkakataon dahil sa mabagal na usad ng korte at iba pang kadahilanan.

IBA PANG BALITA

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...

AFP: Napaslang na aktibistang UP student sa NegOcc ‘armado,’ may ‘combat rig’

NANININDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang naunang pahayag na ang napaslang na estudyante ng University of the Philippines (UP) sa...

Meralco muling nagbabala: Ang pagnanakaw ay ‘nakakakuryente’

NAGBABALA muli ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa nagbabalak magnakaw ng mga materyales o kawad ng kuryente sa kanilang mga pasilidad. Ito’y matapos masawi...

Medical Cannabis Bill maipapasa na sa Kamara

PAG-UUSAPAN at pagbobotohan na sa plenaryo ng House of Representatives ang medical cannabis bill. Ito ay matapos maglabas ng joint report ang House Committees on...