Carpio kumasa sa hamon na debate; ngunit hindi dapat limitahan ang paksa, ayon kay Marcoleta

Share

MATAPOS tanggapin ng retiradong senior associate justice ng Korte Suprema na si Antonio Carpio ang hamon na debate, sinabi ni Senador Rodante Marcoleta na hindi aniya dapat limitahan ang paksang pagdedebatehan.

Ito’y matapos magtakda si Carpio ng mga paksang pag-uusapan sa debate tulad ng katanungang: “Is there legally a West Philippine Sea? At kung mayroon aniya, are the maritime features of the Kalayaan Island Group part of the West Philippine Sea?

Sa kaniyang social media post, nagpasalamat ang senador na tinanggap ni Carpio ang hamon niya para sa isang palakaibigang debate.

“Nagpapasalamat tayo kay dating Associate Justice Antonio Carpio sa pagtanggap sa aking mungkahi para sa isang friendly debate upang masagot ang mga katanungan may kinalaman sa West Philippine Sea (WPS),” ang pahayag ni Marcoleta.

BASAHIN  Dagdag allowance, benepisyo, sa manggagawa

“Sa pagtatapos ng debate, magkakaroon na ng malinaw na impormasyon kaugnay sa ating karagatan, at ang mananalo sa nasabing diskusyon ay ang atin mismong mga kababayan,” dagdag pa ng mambabatas.

Ngunit ayon kay Marcoleta, mahahadlangan aniya ang layunin ng diskurso kapag nakapalibot lamang sa dalawang paksa na inilatag ni Carpio kaugnay sa WPS.

“The West Philippine Sea issue cannot be reduced to a binary legal inquiry on terminology or geographic inclusion, as this risks pre-framing the debate in favor of a particular narrative rather than enabling a genuine examination of all relevant discussions,” ayon pa kay Marcoleta.

Umaasa ang senador na papayag ang dating mahistrado sa makabuluhang debate na “walang itinatakdang limitasyon” sa pag-uusapang paksa.

IBA PANG BALITA

Help Desk ng IPOPHL pinasinayaan sa VMall

BUKAS na ang Help Desk ng National Committee on Intellectual Property Rights (NCIPR) sa VMall, Greenhills sa San Juan City para sa Micro, Small and...

19 Disseminators sinanay ng PH Red Cross

LABING SIYAM na mga indibiduwal ang nakatanggap ng pagsasanay kung paano pasusulungin pa ang makataong pakikipag-ugnayan sa komunidad sa Disseminators Training na ginanap sa...

VP Sara: Ang totoong magnanakaw, sa maleta pinapasok ang pera

ITO ang tahasang sinabi ni Vice President Sara Duterte laban sa aniya’y mga naninira sa kaniya matapos ipresenta sa House Justice Committee ng mga...

DOJ: Zaldy Co hindi arestado sa Czech Republic

INAMIN ng Department of Justice (DoJ) na hindi arestado ng bansang Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co ngunit “nananatiling nasa...

Impeachment trial ni VP Sara pinaghahandaan na ng mga senador

KUNG titingnan ang kasalukuyang kalagayan sa ginagawa umano na “judicial inquiry” ng House Justice committee, tila naghuhudyat ito na tuloy-na-tuloy na ang impeachment trial...

Comedian Joey Paras, pumanaw na; mga artistang senador, tutulong kaya?

PUMANAW na ang komendyante at former Sunday PinaSaya star at bida sa pelikulangBekikang na si Joey Paras sa edad na 45. Hindi sinabi ang sanhi...