Delivery rider nahulihan ng ₱1.6M marijuana sa Pasig

NAHULIHAN ng marijuana na nagkakahalaga ng tumataginting na 1.6 milyong ang isang delivery rider sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng anti-narcotics team ng Pasig PNP, Linggo ng umaga.

Ayon kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Buknoy,” 27, isang delivery rider na agad na inaresto matapos magbenta ng nasabing ilegal na droga sa isang undercover agent.

Ayon kay Mangaldan, ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Drug Enforcement Unit ng Pasig PNP sa Sandoval Avenue, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City dakong alas-2:45 ng madaling araw, Hunyo 22, 2025.

Narekober ang mga pakete ng pinaghihinalaang marijuana (kush), lakip na ang isang heat-seald transparent sachet, 2 self-sealing plastic bag at isang cling-wrapped bundle—lahat ay naglalaman ng dried fruiting tops ng marijuana.

Idinagdag pa ng chief of police na lampas sa 1,100 gramo ang timbang ng nasabing ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng 1,650,000.

Kasama rin sa narekober ang minarkahang buy-bust money—kasama ang 1,000 bill at 500 bill—na nakumpiska bilang karagdagang ibidensya sa nasabing ilegal na transaksyon ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si alyas “Buknoy” para sa dokumentasyon at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Daqngerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Nursing student arestado sa robbery extortion

ARESTADO ang isang nursing student sa isinagawang entrapment operation ng Pasig City Police Station sa kasong robbery extortion, madaling araw ng Mayo 23, 2026...

4,633 bagong kaso ng HIV sa Q1 ng 2026, NCR nangunguna

INANUNSYO ng Department of Health-Epidemiology Bureau (DOH-EB) na 4,633 ang bagong mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa mula Enero hanggang Marso 2026...

‘All aBOARD Expo 2026,’ kasado na sa QC

KASADO na ang pangunahing family-oriented na tabletop gaming event sa Pilipinas, ang ‘All aBOARD Expo ’26 na gaganapin sa Quezon City mula Mayo 28...

Suspek sa rape-slay sa lola sa Rizal, tiklo

ARESTADO ang isang lalaki sa loob lamang ng 36-oras matapos ang agarang follow-up investigation at hot pursuit operation hinggil sa panghahalay at pagpatay sa...

Halos 24,000 guro sumalang sa assessment test para maging school principal

UPANG higit pang itaas ang antas at kalidad ng basic education, umabot sa 23,994 mga guro ang kumuha ng pagsusulit para maging schoo, principal. Layon...