11 Pangunahing bills, pag-uusapan sa Kongreso

0

PAG-UUSAPAN ngayon ang 11 priority measures sa unang araw ng regular na sesyon ng
Kongreso, matapos ang limang araw na break.


Kinilala ng Legislative-Executive Development Advisory Council ang unang tatlong priority bills.
Ito’y ang: Paglikha ng Department of Water Resources and Services and Creation of Water
Regulatory Commission, Tatak-Pinoy Act; at ang Blue Economy Law.


Naaprubahan na ang tatlong nabanggit na panukala sa kani-kanilang komite at naghihintay na
lang ng deliberasyon sa House Committee on Appropriations.


Ang sumusunod na tatlong panukalang batas ay nasa ilalim pa ng technical working committee:
Ang pag-aamyenda sa RA No. 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act, ang
Government Procurement Reform Act, at ang pag-aamyenda sa Cooperative Code.

Samantala, binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State-of-the-Nation
Address nitong Hulyo ang mga sumusunod: Ang Budget Modernization Bill. National Defense
Act, New Government Auditing Code, Philippine Defense Industry Development Act; at Motor
Vehicle Road Users’ Tax.


Itutuloy din ang pag-uusap sa 2024 national budget na nagkakahalaga ng ₱5.768 trilyon.

About Author

Show comments

Exit mobile version