Halos 24,000 guro sumalang sa assessment test para maging school principal

UPANG higit pang itaas ang antas at kalidad ng basic education, umabot sa 23,994 mga guro ang kumuha ng pagsusulit para maging schoo, principal.

Layon din ng National Assessment for School Heads (NASH) na palakasin pa at pagbutihin ang pamumuno sa mga paaralan sa buong bansa, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, patitibayin ng nasabing assessment test ang mga aspiring school heads sa kanilang kapasidad at katangian ng pagiging lider.

“Consistent tayo sa direksyon ng reporma sa larangan ng edukasyon, pangangasiwa at pagtuturo batay sa ‘One School, One School Principal’ [na tunguhin ng DepEd],” dagdag pa ni Angara.

Ang nasabing pagsusulit ay sabay-sabay na isinagawa sa 65 assessment sites sa buong bansa noong Mayo 17, 2026 para sa Fiscal Year (FY) 2025-Batch 2.

Nakabatay ang pagsusulit sa mga competency standards na nakapaloob sa Philippine Professional Standards for School Heads (PPSSH) upang masukat ang kahandaan ng mga aspiring school heads at matukoy ang kanilang competency gaps.

Magsisilbing batayan sa pagbuo ng mga targeted professional development interventions ang anumang makukuhang datos mula sa assessment at iba pang leadership support programs upang lalo pang mapalakas ang kapasidad ng mga school leaders sa buong bansa.

Bago nito, nagsagawa muna ang DepEd ng nationwide Mock Assessment noong Mayo 10 upang maging pamilyar ang mga examinee sa testing platform, at masuri ang technical preparedness, device compatibility, at pangkalahatang sistema ng online exam.

Dahil sa NASH itataas nito ang antas ng pamumuno sa mga paaralan na siyang susi sa mas magandang kalidad ng pagtuturo, epektibong pamamahala, at mas mataas na antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa buong bansa.

IBA PANG BALITA

Agarang tulong sa 2 estudyante na biktima ng pananaksak sa Zamboanga City ikinasa ng DepEd

NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa panibagong napaulat na insidente ng pananaksak sa Cabaluay National High School sa...

DTI-CARP caravan bags over ₱3M in sales, connecting rural producers to Metro Manila

A recent government-led trade caravan has successfully bridged the gap between rural agriculture and urban markets, generating over ₱3 million in revenue and securing...

BIR eases rules on nominee transfers of club shares, drops ruling requirement

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) has streamlined the tax process for corporate-owned country club and sports club memberships, removing a major administrative hurdle...

Bagong mga posisyon para sa mental health program ng DepEd aprub na sa CSC

INAPRUBAHAN na ng Civil Service Commission (CSC) ang bagong mga posisyon na nilikha sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 12080, o ang Basic...

House committee prods CSC to fast-track hiring standards for school counselors

LAWMAKERS from the House Committee on Basic Education and Culture recently criticized delays within the Civil Service Commission (CSC), urging the agency to fast-track...