33.4 C
Manila
Tuesday, May 6, 2025

Al-ag, hinamon si Baste sa isang debate, drug test

HINAMON ni Davao City vice mayoral candidate na si Bernie Al-ag si re-electionist mayor Baste Duterte pati na rin ang mga kapuwa niya kandidato sa lungsod sa isang pampublikong debate.

Ayon kay Al-ag, hindi aniya dapat nakatuon ang pansin ng mga botante sa personalidad kundi dapat aniyang malaman ng publiko ang mga isyu at problema ng lungsod at kung ano ang ilalatag na solusyon ng bawat kandidato.

“Isyu ang pag-usapan natin, hindi personalidad. Hindi ito tungkol sa panlalait o paninira. Ang mahalaga, matalakay natin ang tunay na problema ng Davao City—dahil ngayon, marami talaga kung ito ang pag-uusapan natin,” pahayag ni Al-ag.

Kasabay nito, hinamon din ni Al-ag ang lahat ng kandidato sa lungsod na boluntaryong sumailalim sa hair follicle drug test nang sa gayon ay malaman ng mga botante kung dapat ba nilang iboto ang isang partikular na kandidato kapag nalaman nila na ito ay positibo o negatibo sa paggamit ng ilegal na droga.

BASAHIN  ‘Maging Matiisin’ JW Convention

Dahil sa lumalalang isyu ng paggamit ng ilegal na droga, hinikayat din ni Al-ag ang tatlo pang kapuwa niya kandidato sa pagkabise-alkalde sa lungsod na sama-sama nilang isumite ang kanilang sarili sa nasabing uri ng drug test sa araw o pagkatapos ng Mayo 5, 2025.

Plano ng kampo ni Al-ag na maisagawa ang nasabing debate katuwang ang isang institusyong pang-edukasyon at kasalukuyang inaayos pa ang petsa at lugar ng nasabing aktibidad.

Sinabi pa ni Al-ag na layon ng panukala niyang ito na ipakita ang pagiging bukas sa publiko at magtakda ng mas mataas na pamantayan ng integridad para sa mga nagnanais manilbihan sa gobyerno.

Giit pa ng kandidato, isa aniya itong pangunang hakbang kaugnay sa isyu ng transparency at accountability lakip na ang kongkretong plataporma na ilalatag ng bawat kandidato sa kapakinabangan ng mga botanteng Davaoeño.

BASAHIN  Rapist sa Pasig nakorner sa Bikol

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA