33.4 C
Manila
Wednesday, April 2, 2025

Akusasyon na ‘dishonesty’ ni Mayor Vico pinasinungalingan ng kampo ni Discaya

PINASINUNGALINGAN ng kampo ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya ang malisyosong akusasyon ni Mayor Vico Sotto tungkol sa ‘dishonesty’ isyu na ipinukol nito kaugnay sa pagkuha ng permit para sa kick-off rally ng team “Kaya This.”

Sa isang press conference, sinabi ni congressional candidate Atty. Ian Sia na ugali na umano ng alkalde na mangialam sa isyu na hindi pa alam ang buong detalye at namumulitika sa pamamagitan ng pagpapalabas na siya ang totoo at ang lahat ng kumakalaban sa kaniya ay sinungaling.

Sinabi naman ni Arnold Argaño, assistant campaign manager, na ang orihinal nilang letter request sa LGU sa pamamagitan ni Major Rodrigo De Dios (Ret.) bilang hepe ng Traffic & Parking Management Office (TPMO) na may petsang Pebrero 24, 2025 kick-off rally ng team “Kaya This” ay para sa Plaza Rizal.

Makalipas ang ilang araw ay tumawag umano ang Pasig admin office upang sabihin na maari na nilang kumpletuhin ang requirements tulad ng barangay permit at Traffic and rerouting plan.

Ngunit nang isumite nila ang requirements sa opisina ng TPMO, biglang nag-suggest umano si De Dios na sa Caruncho Avenue na lamang dahil una, less impact sa traffic at pangalawa para maiwasan ang obstruction sa activity ng private school na katabi ng Plaza Rizal.

Para maisakatuparan ito, gumawa na lamang ng sulat si Argaño na ang hinihiling ng grupo ay ang iminungkahi ni De Dios na Caruncho Avenue at ang letter request ay may petsang Marso 6, 2025.

BASAHIN  Kontrata sa kontrobersyal na ₱9.2-B new city hall project ng Pasig nilagdaan na

Habang papalapit ang petsa, naging palaisip ang grupo sa posibleng malaking abala ang idudulot nito sa daloy ng trapiko dahil ito anila ang pangunahing daanan papuntang major routes sa Pasig partikular na papasok at palabas ng lungsod.

Matapos ang konsultasyon sa ground at mga barangay leaders ng team “Kaya This,” minabuti nilang huwag nang ituloy ang kick-off rally sa Caruncho Avenue dahil sa higit 10,000 supporters na inaasahan ng grupo ay tiyak na malaki pa rin ang abalang idudulot nito sa mga motorista bagay na sinang-ayunan din ni Discaya.

“Our first venue dapat [ay] sa Plaza Rizal, pero we were given the option na sa harap ng city hall gumawa ng kick-off [rally], again, inisip din namin yon na we would cause traffic na naman kung doon,” ang pahayag ni Discaya.

Isang araw bago ang Marso 28, nag-post ng anunsyo sa FB page ni Ate Sarah DISCAYA para ipaalam sa mga supporters nila na walang mangyayaring kick-off rally kinabukasan dahil sa mabigat na trapiko na idudulot ng kick-off rally sa Caruncho avenue.

Ngunit nagulat na lamang ang kanilang kampo ng mag-post si Mayor Vico at sinabing ang kampo di-umano ni Discaya ang pumili ng Caruncho Avenue batay sa ipinakita niyang letter request na may petsang Marso 6, 2025.

BASAHIN  Gawing buy 1– take 1 ang tiket sa mmff – Revilla

Ayon kay Sia, makikita sa pangyayaring ito na gumana na naman ang may “mahikong post” ni Sotto na agad namang pinaniwalaan ng mga taga-hanga nito sa social media na tinatanggap anuman ang “isusubo” sa kanila ng alkalde.

“Hindi kasi alam ng marami na may letter request na may petsang Pebrero 24, 2025 ngunit Marso 6, 2025 ang ipinakita ni Sotto kaya lumalabas na ang kampo ni Discaya ang pumili ng Caruncho Avenue,” ang pahayag ni Sia.

Inisa-isa rin ni Sia ang mga pangyayari na kung saan naging padalos-dalos itong si Sotto na nagagawang baliktarin ang mga pangyayari hanggang sa lumabas na parang ‘lumubog sa kumunoy’ ang mga kalaban nito.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA