Red Cross tumulong para kalusin ang dengue

0
Red Cross tumulong para kalusin ang dengue (Photo: PRC Media)

DAHIL sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa, pinaigting pa ng Philippine Red Cross (PRC) ang kampaniya nito laban sa outbreak gamit ang programang “BEAT.”

“Hindi lamang dugo para sa dengue ang inilalaan namin kundi pinasisigla din namin ang komunidad sa buong bansa na magtulungan upang mapigilan ang pagkalat nito,” ang pahayag ni former senator at PRC Chairman Dick Gordon.

“B.E.A.T.” stands for Break breeding sites by mobilizing Red Cross 143 volunteers to help mobilize communities for dengue prevention and response activities; Educate the community through the dissemination of dengue-related communication materials; Assist dengue patients and hospitals by providing ambulances, blood, welfare desks, and medical tents; and Trace dengue hotspot areas through PRC’s 102 chapters across the country.

“Mahalaga na handa tayo at alam natin ang gagawin para maiwasan ang pagdami pa ng kaso ng pagkakasakit. Alam natin na delikado ang dengue at maaaring makamatay. Huwag na nating iasa sa iba ang paglilinis ng kapaligiran, tayo na mismo ang kumilos para sa ating kaligtasan. Magtulungan po tayong lahat para magligtas ng buhay,” ayon pa kay Chairman Gordon.

Sa kasalukuyan, ayon sa Red Cross, ipinatupad na na ng community-level prevention activities ang kanilang 15 PRC Chapters tulad ng pamamahagi ng information materilas.

Gayundin, nagsagawa na ng mga clean-up drives sa 24 na mga komunidad sa Quezon City, Caloocan, Marikina, Kalinga, Bataan, Tarlac, Mountain Province, Bulacan, Abra, Cebu, Iligan, Misamis Oriental, General Santos City, Surigao Norte, at Agusan Sur na kinabibilangan ng 3,000 katao.

“Prevention is better than cure. We don’t wait to be infected before we act. The PRC is continuously educating the public about dengue prevention, but if a dengue patient needs blood, we have a robust blood supply,” ayon naman kay PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang.

Mula Enero hanggang kalagitnaan ng Pebrero 2025, umabot sa 1,078 blood units para sa kaso ng dengue ang naipamahagi, kung saan tumaas ito ng 106% mula sa 524 blood units lamang noong 2024.

About Author

Show comments

Exit mobile version