Sen Revilla, nag birthday sa okada

HINDI mababanaag sa baby-face na mukha ni Sen. Bong Revilla na siya’y 57 years old na
at 50 years na sa showbiz industry.


Ipinagdiwang niya nitong Setyembre 25 ang dalawang milestones na ito sa kanyang buhay,
sa isang party na ginanap sa Okada Manila.


Matatandaang pitong taon pa lamang si Si Sen. Bong nang unang sumabak sa pelikula.
Ito’y ang Tiagong Akyat noong 1973 sa ilalim ng Imus Productions. Ang kanyang amang si
Ramon Sr. ang producer at bida.


Noong siya ay 14 years old pa lang, nagmarka ang role ni Bong bilang batang Bianong
Bulag sa pelikula na may katulad na pamagat. Ito’y pinagbidahan ni Ramon Sr.


Naging turning point sa acting career ni Bong ang papili sa kanya ni Fernando Poe Jr. para
imaging bida sa blockbuster film na Ang Panday.


Hindi nagtagal, pinasok din ni Bong ang TV, at umabot ng limang taon ang Idol Ko si Kap.
Ito’y sinundan ng Hokus Pokus, Kap’s Amazing Stories sa GMA-7, Agimat ng Agila at ang
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.


“Ang Daddy ko mismo ang naging mentor ko hindi lang sa paggawa ng pelikula kung hindi
maging sa pag-arte, siya mismo ang humubog sa akin hanggang sa aking paglaki kaya
maging ang pagpalaot niya pulitika ay namana ko rin” pagtatapos ng senador.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...