Libreng serbisyong medikal, feeding program ng PINOY AKO Partylist dinagsa ng mahigit sa 900 katao sa Rizal

0
10
Libreng serbisyong medikal, feeding program ng PINOY AKO Partylist dinagsa ng mahigit sa 900 katao sa Rizal

DINAGSA ng mahigit sa 900 katao mula sa Brgy. Dalig sa bayan ng Teresa sa Rizal ang isinagawang serbisyong medikal at libreng pakain ng PINOY AKO Partylist kahapon, Pebreo 10, 2025.

Ayon kay Atty. Apollo Emas, 3rd nominee ng PINOY AKO PArtylist, ang nasabing medical mission at feeding program ay introduksyon pa lamang sa kanilang mga gagawin kapag sina ay nanalo sa darating na halalan sa Mayo.

“Kung bibigyan mo ng isda ang isang tao, isang araw lang niya itong pakikinabangan, pero kung tuturuan natin kung paano manghuli ng isda ang isang tao, habang-buhay niya itong mapapakinabangan,” ayon kay Emas bilang pagsipi sa isang kasabihan.

Ang tinutukoy ni Emas ay ang gagawin nilang mga proyekto at programa sa PINOY AKO Partylist kapag sila ay nakaupo na sa kongreso.

Sinabi ng nominado na gagawa sila ng programa upang makapagbigay ng marangal na hanap-buhay sa mga kababayan nang sa gayon ay hindi na aasa ang mga ito sa ayuda ng pamahalaan.

BASAHIN  Rapist na trike driver laglag sa Antipolo Police

“Wala namang problema sa ayuda na ibinibigay ng nasyunal at lokal na pamahalaan dahil siyempre, ibinabalik lamang ng pamahalaan ang pakinabang na ito sa mga taong nagbabayad ng buwis,” dagdag pa ni Emas.

“Ang problema aniya ay na dumadami ang ‘nabibigyan ng isda’ pero hindi natuturuang ‘mangisda’ kaya kung mapapansin natin siksikan, tulakan at minsan ay napapahamak pa ang mga tao sa kapipila sa pamamahagi ng mga ayuda mula sa gobyerno,” ayon pa sa ikatlong nominado.

Giit pa ni Emas, na kaya sila pumupunta sa mga liblib na lugar ay upang hindi lang mapaabutan ng libreng serbisyo medikal ang mga tao kundi makasalamuha mismo ang mga ito at alamin ang kanilang matagal ng hinanaing.

“Sa aming pakikipag-usap sa mga nayon, talagang kumbinsido kami na hindi lamang napagkakaitan kundi nalalaktawan talaga ang mga nasa liblib na lugar ng mga serbisyo mula sa pamahalaan,” saad ni Emas.

BASAHIN  200 Bata, pinatay ng kulto sa Surigao?

Idinagdag pa ng abogado na sabik na sabika aniya ang mga tao sa kanilang dala na iba’t ibang serbisyo na ayon sa mga tao ay bibihira lang napapaabutan ng kahalintulad na serbisyo mula sa gobyerno.

About Author