33.4 C
Manila
Sunday, February 2, 2025

Hybrid elections sigaw ng ex-Comelec commissioner

IGINIIT ni dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Gus Lagman ang panawagan na gawing hybrid ang gagawing halalan sa darating na Mayo 12, 2025 midterm elections.

“Ibalik natin ang manual counting ng mga balota sa precinct level upang malaman ng mga tao kung ano talaga ang nangyayari bilang bahagi na rin ng transparency,” ang pahayag ni Lagman sa “The Agenda” media forum sa Club Filipino sa San Juan City kahapon, Biyernes.

Ayon pa sa dating opisyal, walang may aangal kapag manual counting kasi pati mga political parties ay magkakaroon ng kopya sa resulta ng eleksyon.

“Sa ngayon, bibigyan lang tayo ng kopya mula sa machine bilang patunay na tama ang ibinoto natin. Pero ang tanong, iyon din kaya ang nakalista sa software sa loob ng makina?” dagdag pa ni Lagman.

BASAHIN  BI, nakapagtala ng 30,000- 31,000 daily passenger departures matapos ang New Year celebration

Kaya nananawagan si Lagman sa Korte Suprema na tingnan ang isyung ito dahil 2022 eleksyon pa lamang ay may mga alegasyon na ng pandaraya.

“Bakit ang lahat ng ito ay iisang IP address lang ang pinagmulan? Malinaw na may nangyayaring manipulasyon sa kung magiging ano ang resulta ng halalan,” ayon pa sa dating commissioner.

“Malamang, hindi alam ng marami na ang ngayo’y [Comelec] chairman na si [George Erwin] Garcia ay dating election lawyer ni BBM,” sambit pa ni Lagman.

Samantala, sinabi naman ng retiradong heneral na si Eliseo Rio Jr., at dating opisyal ng Department of Information and Communications Technology ng Duterte administration, na dapat bigyang pansin ito ng Kataas-taasang Hukuman.

“Dun lang naman kami after, na dapat transparent kung paano binibilang ang boto natin. Hindi kasi natin nakikita, nalalaman at kung paano binibilang ng VCM (vote counting machine) ang boto. Isa pa, puwedeng mag-insert ng program sa makina,” giit ni Rio.

BASAHIN  Toots Ople, kampeon ng OFWs, 61

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA