33.4 C
Manila
Wednesday, January 15, 2025

Kontrata sa kontrobersyal na ₱9.2-B new city hall project ng Pasig nilagdaan na

NILAGDAAN na ang kontrata ng kontrobersyal na ₱9.2-B new city hall project ng Pasig, na ayon kay Mayor Vico Sotto ay ang “pinakamalaking proyektong pang-imprastraktura sa kasaysayan ng Lungsod.”

Ang nasabing kontrata ay nilagdaan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at tatlong kompanya na bumubuo sa construction consortium sa isinagawang seremonya sa temporary city hall sa Brgy. Rosario kahapon, Enero 13, 2025.

Nanalo sa bidding ang Sta. Clara International Corporation, Bandar Hebat Builders Inc., at Philjaya Property Management Corporation upang itayo ang bagong city hall.

Bago nito, sinabi ni Mayor Vico na noong una pa lamang niyang pag-upo noong 2019 ay kapansin-pansin na ang mga namataang cracks at damages sa kasalukuyang gusali kung kaya ay minabuti niyang sumangguni sa isang structural engineering firm nang sa gayon ay mapag-aralan ang tunay na kalagayan nito.

Ayon pa kay Sotto, lumabas sa nasabing pag-aaral ng SY^2 + Associates, Inc. na hindi na umano ligtas ang kasalukuyang gusali kung kaya nagpasya siya na magpagawa na lamang ng bagong city hall.

BASAHIN  Kapakanan, proteksyon ng OFWs isusulong - Romualdez

Ang itatayong gusali ay mayroong 65,000 sqm at 45,000 sqm na floor area na kayang sumuporta sa 15,000 foot traffic araw-araw.

Hinimay rin sa paglalagda kung saan mapupunta ang halagang inilaan na badyet ng Pasig City sa konstruksyon na itatayo sa loob ng 720 araw.

“Nagsimula tayo dahil kailangan natin itong gawin, pero sabi nga, ayusin na natin, gandahan na natin,” ang pahayag ni Mayor Vico Sotto.

Ipinaliwanag rin ni Sotto na halos 1 bilyong piso umano kada taon ang natitipid ng Pasig ngayon, na dati ay nabubulsa lamang umano kung kaya “para rin tayong nagpatayo ng city hall na world class na libre,” dagdag pa ng alkalde.

Naging kontrobersyal ang nasabing proyekto dahil madami ang kumuwestiyon partikular na sa bilyon pisong halaga nito.

Matatandaan na nagpadala ng isang open letter si Curlee Discaya, kontraktor at asawa ni Sara, na makakatunggali ni Sotto sa darating na halalan sa Mayo 2025.

Sinabi ni Discaya sa nasabing sulat na batay sa kaniyang karanasan, napakalaki ng inilaang badyet kung kaya may suhestiyon ito na ibaba sa ₱3-B at ang matitirang anim na bilyon ay idagdag na lamang ni Sotto sa iba pang social services tulad ng mga libreng gamot at iba pang serbisyong medikal.

BASAHIN  Basbas sa same-sex couple OK na sa Vatican

Tinaggihan ng alkalde ang alok ni Discaya.

Saksi sa nasabing pagtitipon sina Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, mga city councilors, department heads at mga kinatawan ng consortium companies.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA