33.4 C
Manila
Sunday, January 26, 2025

5 sugarol nahulihan ng baril, iligal na droga sa Rizal

KALABOSO ang limang sugarol matapos makumpiska ang mahigit sa P60,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu nang kapkapan ito ng mga pulis bandang 6:40 ng umaga, December 24, 2024 sa Sitio Lambak Brgy. San Juan Taytay, Rizal.

Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Provincial Police Office ang limang suspek na sina Alyas PJ, 21-taong gulang, garbage collector; Alyas Vincent, 24-taong gulang, scrap yard worker; Alyas Lloyd, 19-taong gulang, unemployed; Alyas Jordan, 18-taong gulang, farmer na pawang mga nakatira sa Brgy. San Juan Taytay, Rizal at isang Alyas Macmac, 31-taong gulang na residente ng Brgy. Lungsad Binangonan, Rizal.

Ayon sa report na natanggap ni Maraggun, nagsasagawa ng anti-illegal gambling operations ang mga kapulisan kung saan naaktuhan nila ang ilang nag-uumpukan habang naglalaro ng Cara y Cruz at kaagad na inaresto ang mga ito.

BASAHIN  Pahinante kulong sa baril  at ₱365-K shabu sa Taytay

Nakuha pa mula sa mga suspek ang 5 pirasong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 10 gramo, 3 piraso ng coins na ginagamit pangara, bet money na may halagang P500.00, coin purse at isang .38 kalibre ng revolver kasama ang 4 piraso ng bala nito.

Kasalukuyang nakapiit sa Taytay Custodial Facility ang mga suspek para sa proseso ng pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o R.A. 9165 at R.A. 10591 o Firearms Law at Anti-Illegal Gambling o PD 1602.

Ayon kay Maraggun, patuloy na lalabanan at hindi titigil ang mga kapulisan sa pagsugpo ng mga ilegal na droga at iligal na sugal.

Sinisiguro pa ng Rizal PNP na ang mga mamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, illegal drugs at kriminalidad.

BASAHIN  Mag-live in partner huli sa ₱1-M shabu sa Rizal

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA