33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

Medical mission hatid ng Pinoy Ako advocacy group dinagsa ng tribung Dumagat-Remontado sa Baras, Rizal kasama si Boss Toyo

DINAGSA ng daan-daang katao partikular na yaong kabilang sa tribung Dumagat-Remontado ang inihatid na medical mission, libreng pagkain at grocery packs ng Pinoy Ako advocacy group kahapon, Oktubre 5, sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal.

Layunin ng Pinoy Ako advocacy group na bigyang pansin ang mga karapatan at kapakanan ng mga katutubo o indigenous people (IP).

Ang Pinoy Ako ay kinabibilangan ng mga kapuwa propesyunal at ordinaryong mga manggagawa na naglalayong itaas ang antas ng buhay ng mga katutubo katulad ng mga Dumagat ng Rizal.

Laking pasasalamat naman ng tribung Dumagat sa inihatid na libreng check-up, gamot at mga bitamina na ayon sa kanilang mga pinuno ay bihira lang nila maranasan.

Naghatid din ng kasiyahan sa tribu ang kilalang content creator na si Jason Lozada o kilala sa tawag na Boss Toyo na buong suporta sa isinusulong na mga adbokasiya ng Pinoy Ako.

Sa isang panayam sa mga miyembro ng PaMaMarisan-Rizal Press Corps, tiniyak ni Boss Toyo na ang nasabing advocacy group na sinusuportahan niya ay makikipaglaban sa karapatan ng mga katutubo sa ilalim ng IPRA (Indigenous Peoples Rights Act) Law.

BASAHIN  K-Pop concert ni Sandara sa Cebu, kinansela

Maliban sa pagsasaka at mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan, ang konstruksyon ang isa sa pangunahing trabaho ng tribu na nakatira sa Sitio San Roque, Barangay Pinugay, Baras.

Si Boss Toyo kasama sina Perla Geronimo Tesoro sa kaliwa at Jay Sambilay, una sa kanan.

Nagtatanim din ang tribu ng mga pangunahing pananim tulad ng niyog, mais at palay maliban pa sa mga trabong pang-tribu.

Nakapanayam din ng media si Ricky dela Cruz, ang 42-anyos na pinuno ng tribu at sinabing mayroong 75 pamilya ang Dumagat-Remontado, maliban pa sa 10 tribu na naninirahan sa kalapit na lugar, ang Antipolo City.

Sinabi pa ni Dela Cruz na tuwing may kalamidad, hinahatiran naman sila ng tulong mula sa pamahalaang bayan ng Baras tulad na lamang ng food packs.

Labis ang pasasalamat ni dela Cruz sa hatid na tulong medikal at pagkain ng Pinoy Ako advocacy group, na ayon sa kaniya ay napakalaking tulong ito sa kanilang tribu.

Ayon pa kay Boss Toyo, napuntahan na nila ang iba pang tribu sa San Gabriel La Union at isusunod naman nila ang iba pang tribu ng mga Aeta sa Pampanga.

BASAHIN  14-Anyos na estudyante, Patay sa sampal

Tiniyak ng mga nangunguna sa Pinoy Akon a lalo nilang ipaglalaban ang maayos na pagpapatupad ng IPRA law upang protektahan ang karapatan at kapakanan ng katutubo at mabigyan ng oportunidad sa kabuhayan, kalusugan at iba pang tulong medikal.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA