Bagong chairman ng PCSO na si Felix Reyes ibinida ni GM Mel Robles

0
Nanumpa si Felix Reyes bilang bagong chairman ng PCSO sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin habang nakatingin si GM Mel Robles. (Photo: PCSO Media)

IBINIDA sa media ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles ang bago nitong ka-tandem sa ahensiya na si Felix Padua Reyes bilang chairman.

Pinili mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Reyes at nanumpa ito kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa Palasyo at manunungkulan simula Mayo 28, 2024.

Pinalitan ni Reyes bilang chairman si Junie Cua na dating kongresista at itinalaga ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Naging pangulo si Reyes ng Philippine Judges Association (PJA), acting presiding judge ng Taguig Regional Trial Court (RTC), Branch 70 ((2017-2019), Lipa City RTC noong Pebrero 2011 hanggang Setyembre 2021, at sa Calamba City, Laguna, RTC mula 2011 hanggang 2013.

Bilang bagong chairman, sinabi ni Reyes na palalawakin pa niya ang maabot ng PCSO sa ginagawa nitong pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng mga branches ng ahensya sa buong bansa.

“We will think of ways na mabibigyan ng tulong ang lahat ng mga nangangailangan mahihirap nating kababayan lalo na iyong may mga sakit, kahit nasa malalayong lugar at lalawigan sila,” ang pahayag ni Reyes.

Binigyang diin pa ng bagong talagang chairman na napakahalaga ang papel na gagampanan ng mga branches ng PCSO na matatagpuan sa buong bansa kapag maayos ang pakikipag-ugnayan nito sa punong tanggapan sa Mandaluyong City.

Isa pa sa pagtutuunan ng pansin ni Reyes ang ang pagpapataas ng kita ng ahensya para mas malaki rin ang maiaambag ng PCSO sa kabang-yaman nang sa gayun ay marami pang mga mahihirap ang makakatanggap ng tulong mula sa nasyunal na pamahalaan.

Tiwala pa si Reyes na maaabot nila ang 60 bilyong target ng ahensya ngayong taon at itataas nila sa sa 70 bilyon sa 2025 hanggang pataas sa 100 bilyon sa susunod pang dalawang taon.

“Malaki ang tsansa na kaya naming abutin ang nasabing target, alo na’t may mga bagong uri ng laro kaming ilalatag gamit ang modernong teknolohiya,” dagdag pa ni Reyes.

About Author

Show comments

Exit mobile version