33.4 C
Manila
Wednesday, June 26, 2024

Mga video at babasahing pambata, pampamilya available na kahit walang internet access

NAALAALA pa noon ni Edmar Reynera, na nakatira sa bayan ng Rapu-Rapu sa lalawigan ng Albay, na hirap na hirap siyang makapag-download ng mga video na panonoorin ng kaniyang pamilya, dahil sa mabagal na internet sa kanilang nayon.

Pero laking tuwa niya nang dumating ang JW Box, isang maliit na kit at software device na naglalaman ng mga babasahin at video na maaaring ma-download gamit ang smart phone o tablet.

“Dati, para lang makasagap ng magandang signal, kailangan pa naming pumunta sa kabilang barangay na 3 o 4 na kilometro ang layo,” ang hinaing ni Reynera.

“Alinman sa maglalakbay kami o pumunta sa computer shop, tiyak na kabawasan na naman ito sa aming budget. Pero ng dumating ang JW Box, ‘di na kami lalayo pa at makakatipid kami,” dagdag pa ni Reynera.

Dahil nagsisilbi na rin itong router, mas mabilis na ang pag-download ng mga salig-Bibliyang mga video at babasahin gamit ang Wi-Fi feature ng inyong mga gadget kaya hindi na kailangan ang internet access.

Ito ay ginagawa ng mga Saksi ni Jehova dahil sa darating na Mayo 17, ipagdiriwang ang “World Telecommunication and Information Society Day” at nakikiisa ang mga Saksi sa buong mundo na gamitin ang teknolohiya para tulungan yaong mga may limitado o wala pa ngang access sa internet lalo na sa mga liblib na lugar.

“Ginagamit namin ang teknolohiya sa abot ng aming makakaya para matulungan ang mga tao na mamuhay araw-araw sa praktikal na paraan gamit ang salig-Bibliyang mga impormasyon,” ang sabi ni James Morales, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova.

BASAHIN  Search, retrieval sa Maco landslide, itinigil na

“Mga tanong kung paano maging maligaya sa buhay, tulong man ito sa pamilya, o pag-asa sa hinaharap, lahat ng ito ay nasa Bibliya, at nais naming malaman ito ng mga tao,” dagdag pa ni Morales.

Ilan sa mga Saksi ni Jehova sa Africa habang nagda-download ng salig-Bibliyang mga publikasyon at video mula sa JW Box. (Photos: Jehovah’s Witnesses press release)

Hanggang nitong Enero 2024 lamang, mayroong 5.35 bilyong katao na ang gumagamit ng internet sa buong mundo, ngunit dahil sa hindi maaasahang koneksyon lalo na sa papaunlad na mga bansa, marami pa rin ang napagkakaitan ng nasabing teknolohiya.

Ilan sa mga bansa na may pinakamabagal na internet connection ay ang North Korea, Central African Republic, Burundi, South Sudan at Niger.

Kaya naman, ang mga Saksi ni Jehova sa ilan sa mga lugar na ito ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya para mapaabutan ng espirituwal na paglalaan ang kanilang mga miyembro pati na rin ang mga nakikipag-aral ng Bibliya sa kanila, at kahit na mga interesado na hindi nila miyembro.

Ang ilan sa mga teknolohiyang ito ay radyo at telebisyon, kung saan nagbabayad sila upang maisahimpapawid ang kanilang mga programa. Gumagamit din sila ng satellite para mapanood ang kanilang internet television program na JW Broadcasting sa kontinente ng Aprika, at itong JW Box.

BASAHIN  ‘Serbisyo Caravan’ ng PCUP ikakasa sa 6 pang lalawigan kasama ang iba pang ahensya
Isang interesadong tao na nagbabasa ng salig-Bibliyang mga artikulo sa jw.org na nai-download gamit ang JW Box. (Photo courtesy: Jehovah’s Witnesses)

Sa Pilipinas, ang mga nilalaman ng JW Box ay ina-upload sa punong tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Quezon City mula sa jw.org at ina-update gamit ang USB na ipinapadala naman sa mga kongregasyon na nangangailangan nito.

Ang jw.org ay tinagurian at nananatiling ‘most translated website in the world’ ay accessible sa higit 1,070 na mga wika at 100 sa sign language.

Naglalaman ito ng mga artikulo mula sa Bibliya para sa mga pamilya, impormasyon tungkol sa kapayapaan at kaligayahan, ganun din ng mga napapanahong balita, mga video at maiikling animation.

Sa mga lugar sa Pilipinas na may mahinang signal o wala pa ngang internet, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Kingdom Hall, ang tawag sa kanilang house of worship, sa inyong lugar.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA