33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Libreng dialysis sa Marikina ibinida ni Mayor Marcy

PINASINAYAAN nina Mayor Marcy Teodoro at Congresswoman Maan Teodoro ng unang distrito, ang ipinatayong dialysis center kasabay ng pagdiriwang sa ika-394th founding anniversary ng Marikina City, kahapon, Abril 16.

May pagmamalaking ibinida ng alkalde na libre para sa mga Marikeño ang pagpapa-dialysis, kung saan 22 dialysis machines ang magagamit sa nasabing pasilidad.

Sinabi ni Mayor Marcy na layon ng Marikina Dialysis Center na mabigyan ng libre at accessible na dialysis treatment ang mga residente ng lungsod lalo pa’t ang chronic kidney disease (CKD) ang pang-apat sa nangungunang sakit at pang-pito na sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.

“Ayon sa datos ng Philippine Renal Disease Registry, pitong milyong Pilipino ang apektado ng CKD at humigi’t kumulang dalawa’t kalahating milyon naman ang sa peritoneal at hemodialysis. Idagdag pa natin dito, ayon sa National Kidney & Transplant Institute o NKTI, na isang Pilipino kada oras ang nada-diagnose na may chronic kidney disease,” ang pahayag ng alkalde.

Idinagdag pa ng punong lungsod na ang 22 dialysis machines mula Japan ay state-of-the-art, pangungunahan ng mga dedicated team of nurses, admin staff, technicians, at medical professionals, na ang tunguhin ay makapagbigay ng mahusay na serbisyo.

BASAHIN  Zubiri, pinagsabihan ang China na itigil na ang paninira sa WPS

“Kaya naman, the Marikina Dialysis Center stands as a vital resource in our fight against this global epidemic through collaborative efforts with Tresmedica Trading, Inc., we aim to empower our residents with knowledge through educational programs and forum,” dagdag pa ni Mayor Marcy.

Ayon naman kay Congw. Maan, karamihan sa mga request na kaniyang natatanggap pagdating sa serbisyong medikal ay mga pasyenteng nangangailangan ng dialisys.

“Sa dami po ng bumibisita sa aming opisina, ang kadalasan na nilalapit ay mga pasyente na kailangan ng hemodialysis. Kaya naman batid ko po kung gaano kalaki ang gastos ng mga tests, maintenance medicine, at lalo na ng maintenance procedures na kinakailangan ng tuloy-tuloy na sessions. Ibig sabihin, tuloy-tuloy rin itong pagsubok para sa mga pamilya,” ang pahayag ng mambabatas.

Maliban sa PhilHealth, katuwang din ng MDC ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center at Marikina Valley Hospital na handa para tumugon sa emergency cases.

“Ngayon, mayroon na po tayong health center para sa ating dialysis patients. Mayroon na tayong mas malapit na facility, hindi na lamang sa public hospitals tulad ng NKTI o mga private dialysis centers,” ayon pa kay Congw Maan.

BASAHIN  Mambabatas, hiniling na suspindihin ang sim registration

“Sa pangkaraniwan, halos ₱40,000 hanggang ₱60,000 ang nagagastos ng pasyente sa isang buwan pa lang. Sa ating dialysis center, ang dialysis treatment, EPO, IV iron, at dialyzer, ay libre na,” dagdag pa ng kongresista.

Nagpaabot naman ng pagbati si Senador Koko Pimentel, na residente ng Marikina, para sa pagbubukas ng sariling dialysis center ng lungsod at sa mga pagsisikap ng mag-asawang Teodoro para magkaroon ng libre at accessible na dialysis center.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA