33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

87 katao nasampolan, 19 sasakyan in-impound ng MMDA

KUNG puro flagged down lamang at walang hinuli noong Abril 15 at 16, ngayong ikatlong araw ay nasampolan ang 18 indibiduwal at 19 na sasakyan ang in-impound ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa prohibisyon ng MMDA Regulation 21-002.

Sa nasabing regulasyon na inilabas bilang Metro Manila Council resolution, mahigpit na pinagbabawalan ang mga tricycle, push cart o kariton, pedicab, kuliglig, e-bike, e-trike, at light electric vehicle na dumaan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, bagama’t may ilang eksemsyon.

Batay sa datos ng MMDA, 50 tricycle, 4 na pedicab, 18 e-trike at 15 e-bike as of 12 noon ngayong araw, ang na-apprehend ng ahensya.

Matatandaan na noong Lunes pa sana ipinatupad ang panghuhuli ngunit bilang konsiderasyon sa dalawang araw na transport strike, nakatikim lamang ng paalaala ang mga lumabag.

“Ang mga lalabag sa regulasyon ay ipa-flagged down lamang at paalalahanan tungkol sa ipinatutupad na regulasyon. Hindi pa tayo manghuhuli at mag-iisyu ng citation ticket sa kanila,” ang sabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes noong Lunes.

BASAHIN  ₱1.242-B IT infra ng itatayong Pasig City Hall campus, delikado

Ayon pa kay Artes, ang 2-araw na dry run ay magsisilbing information drive at para maging pamilyar na rin ang may-ari ng mga e-bike, e-trikes, tricycle, pedicab, pushcart, at kuliglig sa ipinatutupad na regulasyon.

“Ngunit sa Miyerkules (Abril 17), huhulihin na natin ang mga lalabag at magmumulta ng ₱2,500, at kapag walang driver’s license at hindi rehistrado ang kanilang sasakyan, ii-impound natin ang unit,” dagdag pa ni Artes noong Lunes.

Giit pa ni Artes, hindi na bago ang regulasyon dahil may nauna nang inilabas na memorandum ang DILG na nagbabawal sa mga ganitong uri ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan.

Ang pangunahing layunin ng regulasyon, ayon kay Artes, ay para sa kaligtasan ng publiko, maiwasan ang mga aksidente, at mabawasan ang bigat sa daloy ng trapiko lalo pa’t pinag-iingat din ang lahat dahil sa nararanasang matinding init ng panahon.

Sa #BagongPilipinas Town Hall Meeting on Traffic Concerns na pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos kasama ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kamakailan, ibinida ng MMDA ang nasabing regulasyon para matugunan ang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila.

BASAHIN  4-Wheel Joyride, kakatay sa regular Taxi?

Ayon kay Pangulong Marcos, “ang bagong Pilipino ay disiplinado sa pagmamaneho, nagbibigayan, may konsiderasyon sa kapuwa, at sumusunod sa batas trapiko.”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA