Nieto: Kaso ng pertussis sa Cainta kontrolado

0
152
Si Cainta Mayor Elen Nieto.

INIHAYAG ni Cainta Mayor Ellen Nieto na bagama’t nakakabahala ang pagdami ng mga kaso ng pertussis sa maraming lugar sa bansa, ipinagpasalamat niya na hindi na sila umabot pa sa antas na kinailangan nilang magdeklara ng outbreak.

Ngunit hindi aniya sila nagpapakampante kundi mahigpit nilang binabantayan ang mga posibleng magiging dahilan ng pagdami ng kaso na tusperina o pertussis.

“We look back sa records namin we have very few so wala pa kami dun sa level na for us to declare any emergency state [situation]. But right now, naka-monitor kami especially with our health department,” ang pahayag ng alkalde.

Idinagdag pa ng alkalde na alerto rin ang lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan ng pamunuan ng mga eskuwelahan pagdating sa kalinisan. Pinag-usapan rin nila umano kung ano ang mas praktikal at mas makakabuti sa pag-aaral ng mga estudyante batay na rin sa polisiya ng Department of Education o DepEd.

“It’s very regular sa amin na maglinis sa schools. The LGU takes the responsibility to do that. Pagdating naman sa oras ng pasukan, ang adjustment na gagawin is to do schooling at home di ba, so you could do the modular or you can do asynchronous. Yon yong mas favored na alternative to on-site learning or on-site classes,” dagdag pa ni Nieto.

BASAHIN  Tuspirina outbreak sa QC idineklara

Para maibsan ang uhaw ng mga bata gayundin ng mga guro, minabuti ng lokal na pamahalaan na maglaan ng tubig sa mga paaralan bagama’t hinimok din nila ang mga estudyante na magbaon na rin ng sarili nilang pamatid uhaw.

“Sa public schools yes that is in place. Meron kaming fountain na dapat maayos ang [daloy] ng tubig. At sa mga estudyante naman, they are called upon na magbaon ng sariling nilang tubig, the same for teachers, I mean for everybody, pati sa non-teaching staff,” ayon pa sa punong bayan.

Sinabi pa ni Mayor Nieto na pagkatapos ng pandemya, agad naman nilang pinagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng iba’t ibang bakuna kasama na ang para sa pertussis. At idinagdag pa ng   kauna-unahang babaeng alkalde ng Cainta na may sapat na suplay ang kanilang mga health center at ospital.

BASAHIN  Grupong kontra yosi dismayado sa DA, First Lady

“Ever since na nakabalik tayo sa normal around mid-2022 niramp-up namin with the health department namin ang pagbabalik sa vaccination sa mga bata,” pagtatapos ni Nieto.

About Author