33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

Bato: Exempted sa ROTC ang mga PWDs, may religious at crime conviction

INIHAYAG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may mga exempted sa panukalang batas na pagbabalik-muli ng Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa mga estudyante.

Batay sa Senate Bill 2304 o “An Act Mandating the Institutionalization, Development, Training, Organization and Administration of Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Program in Higher Educational Institutions and Technical Vocational Institutions,” may ilan na hindi puwedeng piliting makibahagi sa nasabing panukalang batas.

Ito ay ang mga persons with disabilities, (PWDs); para doon sa mga may relihiyosong paniniwala na nagbabawal sa kanila na gumamit ng armas bilang isang uri ng paglilingkod sa bayan; at yaong mga nahatulan ng pinal sa isang kaso involving moral turpitude.

Sinabi ng senador na magkakaroon ng specialized program para sa kanila upang maipahayag at maisagawa rin nila ang ibang uri ng paglilingkod sa bayan at kanilang kapuwa batay sa kanilang pisikal, moral at relihoyosong kalagayan.

Ngunit ayon kay Dela Rosa, mukhang gahibla ang tsansa na makalusot sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukalang batas.

BASAHIN  Cebu No. 1 pa rin na mayamang probinsya 

“My own personal estimate is that we will win by [a] slim margin. Kung magkakabotohan we will win by a slim margin. There will be a majority vote but the margin will be very slim,” ang pahayag ng senador.

Ang Mandatory ROTC Bill ay isang priority measure ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at nasa ikalawang pagbasa na kung saan nagkaroon ng huling interpelasyon noon pang Setyembre 25, 2023.

Sa ilalim ng nasabing panukala, sakop nito ang mga estudyante sa may kursong hindi bababa sa 2 taon kasama na ang mga programang may sertipiko sa mga higher educational institutes (HEIs) at technological vocational institutes (TVIs) sa loob ng apat na semestre.

Hindi kuwalipikado na maka-graduate ang isang estudyante kapag hindi dumaan sa ROTC at administrabibong kaso naman ang kakaharapin ng mga eskuwelahan na hindi magpapatupad ng nasabing programa.

“Kinausap ko si Senate President [Migz Zubiri] na sana ma-calendar na ‘yan pagbalik namin [mula sa session break] para ‘yun nga, may resulta na, whether gusto man natin o hindi,” ang pahayag ng mambabatas.

BASAHIN  6 katao patay sa lindol sa Mindanao

“Kasi ako ang kinukulit ng taumbayan, ng mga pro-ROTC. Kinukulit nila ako kung bakit hindi pa lumabas ‘yung batas na yan. So sabi ko kay [Senate President] baka pwedeng i-tackle na natin,” dagdag pa ng senador.

Nangako naman si Zubiri na tatalakayin ng senado ang nasabing panukalang batas sa pagbabalik nila sa Mayo at kaagad na pagbobotohan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA