33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Pera sa basura, ibinida sa bagong teknolohiya mula Slovakia

IBINIDA kamakailan ng mga inhinyero, lider-negosyante at isang kompanya mula sa Slovak Republic o kilala bilang bansang Slovakia, ang isang bagong-bago na pamamaraan para hindi lamang mabawasan ang basura kundi ito ay magiging pera pa.

Ang bagong teknolohiya na ito ay tinatawag na EUREX ECO 1 unit, isang patented technology ng Eurex Energy, s.r.o. na inembento at ginawa sa Slovak Republic sa Europa.

Ipinanood sa media nina Vladimir Daniská, Eurex Energy CEO ganun din ni Jan Diná, President ng Slovakia-Philippines Chamber of Commerce at Stanislav Sobotá, ang live footage sa loob ng mismo pasilidad kung saan naka-instala ang Eurex Eco 1 unit sa Slovakia via internet.

Nagkaroon din ng video presentation kung paanong ang mixed municipal waste, plastic waste, waste packaging material, sorted plastic waste at iba pang uri ng basura ay puwedeng maipasok sa loob ng makina.

Sinabi pa ni Daniská na kapag naipasok na sa makina ang mga nasabing uri ng basura, may tatlong pangunahing output products ang maibibigay nito.

Ito ay sa pormang likido tulad ng diesel (medium fraction), gasoline (light fraction); gaseous form tulad ng technological gas; at solid residue.

Sa panayam ng BRABO News, sinabi ni Jan Diná na may nakausap na sila na mga local government unit (LGU) na nagpakita ng interes para sa installation ng nasabing teknolohiya sa kanilang munisipyo.

BASAHIN  ₱100 dagdag sa daily minimum wage – Jinggoy

Idinagdag pa ni Diná na sa 70-30 scheme, 70% ang mapupunta sa Eurex Energy at 30% ang mapunta sa lokal na pamahalaan at tanging lupa lamang ang ilalaan ng mga lokal na pamahalaan para pagtayuan ng makina.

Ikinatuwa naman ni Mayor Roscelle Eramiz ng bayan ng Palanas sa lalawigan ng Masbate na malaki aniya ang maitutulong ng nasabing teknolohiya dahil napakaraming plastik na basura ang nakukuha nila mula sa mga naaanod sa kanilang dalampasigan.

“Malaki ang maitutulong nito, lalo na sa basura namin kasi mas marami ang basura ng plastik. Ayon sa usapan, maglalaan kami ng 500 square meter na lupa upang doon itayo ang pasilidad,” ang pahayag ni Eramiz.

Ayon naman kay Mayor Joel Ventura ng bayan ng Sibuco sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, maglalabas aniya ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan upang bigyan siya ng otoridad na makipag-usap sa Eurex Energy.

“Actually, maraming basura sa Sibuco at isa yon sa problema namin. Mayroon naman kaming 10-year solid waste management plan, yon nga lang ay hindi kakayanin kaya kami interesado sa teknolohiyang ito,” ang sabi ni Ventura.

Malaking bagay naman para kay Rowen Untivero, President & CEO ng Kinetx, ang magagawa ng Slovak technology dahil ang Pilipinas aniya ay isa sa producer ng plastic waste.

BASAHIN  Krisis sa tubig sa NCR, iba pang lugar

“Alam naman natin na isa tayo sa mataas na producer ng plastic waste. Hindi naman tayo nabubuhay ng walang plastik. It takes a thousand years to decompose plastics kaya maganda ito dahil may pagkakataon tayo na magawan ito ng paraan,” ang tinuran ni Ventura.

Ang Kinetx ang kompanyang tumutulong sa Eurex Energy upang lumawak pa ang paggamit ng nasabing teknolohiya sa Pilipinas.

Sinabi pa Diná na mula Pilipinas, palalawakin pa ng Eurex Energy ang nasabing teknolohiya sa iba pang bahagi ng Asya.

“Our technology from Eurex Energy is unique in the world and is patented. So, we are open to local government units to join with us or venture through Public Private Partnership (PPP),” pagtatapos ni Diná.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA