33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Pagsipa ng pertussis sa bansa nakababahala na, ayon sa DOH

NAKAKABAHALA na ang pagsipa ng mga kaso ng tigdas at pertussis sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) batay sa kanilang pinakahuling datus.

Ang mga nagkasakit ng pertussis o “whooping cough” at kilala sa Tagalog na “ubong may halak,” “ubong dalahit” o tuspirina ay biglang tumaas na nagdulot ng kamatayan lalo na sa mga bagong ipinanganak.

Sinabi ng DOH na sa unang 10 linggo noong 2019, 52 kaso ng pertussis ang kanilang naitala, noong 2020 ay 27 kaso, 7 kaso lamang noong 2021 at 23 kaso noong 2023.

Ngunit kapansin-pansin na 453 kaso na agad ang naitala ng ahensya sa unang 10 linggo ngayong taon.

Ayon sa DOH, mataas ang tsansa na makahawa ang tuspirina dahil sa hindi wastong pag-iingat kapag bumabahing o umuubo 10 araw matapos mahawaan ngunit maaaring gamutin ng antibiotics at mapigilan ng bakuna.

Hinimok naman ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang publiko na tumungo sa mga health center at magpabakuna kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng pertussis at tigdas sa buong mundo.

BASAHIN  Kapasidad ng HEIs, pinalawak ng 7 bagong batas

Samantala, sa 25 na mga kaso sa Pasig City, 17 ang kumpirmadong positibo, 8 ang probable case at 2 ang naiulat na namatay batay sa datus mula Enero hanggang Marso ngayong taon, ayon sa inilabas na pahayag ng Public Information Office (PIO).

Karamihan sa nasabing mga kaso ay mga sanggol na wala pang dalawang buwan matapos ipanganak at wala o dili kaya’y hindi pa kumpleto ang bakuna.

Nagsasagawa na ngayon ng immunization response ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Pasig City sa mga apektadong barangay.

Pinaigting na rin ng lokal na pamahalaan ang kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyon kung ano itong pertussis at paano maiiwasan lalo na ngayong Kuwaresma.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na may sapat na suplay ng bakuna sa lahat ng health center at super health centers sa lungsod.

BASAHIN  12-Araw na suspensyon sa It’s Showtime – MTRCB

Sa buong bansa, batay sa huling datus ng DOH, mayroon ng 453 kaso ng pertussis sa unang 10 linggo ng 2024 kung ikukumpara sa 23 kaso lamang sa parehong panahon noong 2023.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA