NALAMBAT ang anim na magkakasabwat sa bentahan ng illegal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Cainta Municipal Police Station at makuhanan ng aabot sa ₱40,000 halaga ng shabu, Martes ng madaling araw Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Isko, 54-anyos, driver, residente ng Pasig City, Liza, 48-anyos, Chris, 27-anyos, mekaniko, Clark, 28-anyos, delivery boy, Rodrigo, 29-anyos, construction worker, at alyas Jerome, 24-anyos, taga-Pasig City.
Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Pol. Col. Felipe Maraggun, Director ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), nakipagtransaksyon ang isang pulis na umaktong buyer at naganap ang palitan ng droga na kung saan naka monitor nag Cainta Police.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na anim na gramo at tinatayang nasa ₱40,800.00 ang halaga.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cainta custodial facility at dinala ang mga nakumpiskang droga sa Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination habang kinasuhan ang anim na katao sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.