E-boat ibinida ng DOST

0
Gawang Pinoy na Safe, Efficient and Sustainable Solar-Assisted Plug-In Electric Boat (SESSY E-Boat)

IBINIDA ngayon ng pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) ang isang Filipino-made Safe, Efficient and Sustainable Solar-Assisted Plug-In Electric Boat (SESSY E-Boat) na puwedeng ibiyahe gamit angbsolar power.

Ayon kay DOST-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) Director Enrico Paringit, kung may e-jeep at e-bike sa kalsada, meron na ngayong e-boat na dagat naman at ito ang bagong imbensyon na mga mag-aaral ng Mapua University na pinondohan ng DOST at  Department of Energy (DOE) sa halagang P19-million project.

Kaya ng e-boat na magsakay ng 10 katao at tahimik ang takbo ng motor bukod pa sa mula sa araw ang enerhiya nito at nakakapag-imbak pa ng energy.

Nilinaw ni Paringit na marami nang e-boats sa bansa pero nakadisenyo ang SESSY e-boat para sa pangangailangan ng mga turismo dahil puwedeng maipagmalaki ang imbensyon na tiyak na hahangaan ng mga bisita dahil aprubado na ito ng Maritime Industry Authority.

Samantala, naghahanap pa rin ang DOST-PCIEERD ng  technology adopters para sa gagamit ng SESSY e-boat.

Piling-pili ang batteries at electric motors ng e-boat at nilagyan nila ng automatic identification system o AIS para hindi mawala at kaya nitong tumakbo hanggang dalawang oras sa apat na oras na charging at kung gamit naman ang solar panels ay maaaring lumarga ang  e-boat hanggat may araw.

About Author

Show comments

Exit mobile version