SINAMPAHAN ng kasong kriminal ang mag-asawang Senador Cynthia Villar at dating senate president Manny Villar at administratibo kasama ang 60 iba pa ng Task Force Kasanag (TFK) sa Office of the Ombudsman, kahapon.
Ang mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, grave misconduct, grave abuse of authority, economic sabotage, damage to government and private property, malversation of public funds, oppression, grave threat and coercion, at iba pang mga paglabag ang isinampa ng chairman at pangulo ng TFK na si John Chiong.
Ayon kay Chiong, ang Task Force Kasanag ay isang non-government organization na itinatag ng mga indibidwal sa layuning labanan ang mga pang-aabuso sa kapangyarihan, terorismo, korapsyon laban sa mga pulitiko, opisyal at empleyado ng pamahalaan.
“Ang aming organisasyon ay non-profit at non-political at nakapagsampa na kami ng reklamo at mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), National Printing Office (NPO) at pati mga local officials,” ang pahayag ni Chiong.
Maliban sa mag-asawang Villar, ang ilan pa sa mga public officials na sinampahan ng kaso sa Ombudsman ay mga pulitikong sina Eric Olivarez, Edwin Olivarez, Florencio Bernabe, Jr., Enrico Golez at Pablo Olivarez II.
Kasama rin sina Diamela Apolinario, Wilfredo Jimenez, Maria Gracia Navales, Nestor Fulgen, Francisco Agamata, Aser Sunga Mallari, Melanie Soriano-Malaya, Howard Bactol, Alan Sahagun, Voltaire dela Cruz, Benigno Rivera, Rosa Vinas at Nelson Villamayor.
Hindi rin nakaligtas sina Rancho Vasquez, Jacqueline Caancan, Juan Miguel Cuna, Henry Pacis, Bobby Tagapan, Darryl Garapan, Ramon Paje, Francis Tolentino, Mark Allen Besa, Teresa Quiogue at isang Jane Doe alias “Au.”
Isinama rin ni Chiong sina Marlon Calderon, Ernanie Gatica, Teodoro Advincula, Patrick Macazo, Ocampo, Ivy Diwas, Allaisa Mohammad, Joyce Yu, Gideon Del Mundo, Ed Del Rosario, Jemelene Go Qui, Sabino Garcia III, Rey Advincula, Max Cristobal at Lino Sandil.
Ang ilan naman sa mga pribadong indibidwal ay sina Robert Orocio, Ruth Orocio, Marissa Mapalo, Adel Balogo, Floro Bonga, Danny Obar, Rosalinda Lizo, Maria Marissa Montes, Allen Simborio, Teddy Serafica, Emilio San Jose, Clint Tampon, Cecillo Acierto, Donald Manuel Uy, Romulo Caringa, Nenita Cristobal at Alex Isles.
Idinagdag pa ni Chiong na mahalaga ang pagsasampa nila ng kasong ito dahil aniya sa hindi lamang isa kundi napakarami, kilala at maimpluwensyang pamilya at mga pulitiko ang sangkot sa isyung ito. “Kung titingnan natin, parang napakaliit lang nito dahil isang creek ang isyu ngunit kung bubusisiin natin, napaka-importante pala ng nabanggit na usapin dahil hindi lamang buhay at kabuhayan ng mga apektado kundi pati na ang ipinakitang lakas ng loob na suwayin ang batas dahil lamang sa kilala at maipluwensiya ang gumawa nito,” giit pa ni Chiong.
Sa susunod na mga araw ay ilalatag ng BRABO News ang ilan sa mga detalye ng kaso ayon sa salaysay at mga dokumento na iniharap sa aming news team.
Bukás naman ang BRABO News sa kabilang panig na pasinungalingan ang mga akusasyon laban sa kanila.