P147-M jackpot ng Lotto 6/49 nadale ng Silang, Cavite 

Isang masuwerteng taga Silang-Cavite ang nakadale ng solo sa jackpot prize na P147,354,716.40 ng Super Lotto 6/49 na binola Linggo ng gabi sa main office sa Mandaluyong City.

Sa tala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumpak ang winning combination number na 47 – 35 – 02 – 13 – 38 – 17 ng isang masuwerteng mananaya na bumili ng lotto ticket sa Silang, Cavite outlet.

Mayroon namang  40 mananaya ang nanalo ng P50,000.00 sa second prize, nasa 1,659  players ang nanalo ng P1,200.00 at 32,968   manlalaro ang may P50.00 bawat isa.

Samantala, wala namang nanalo sa draw ng Ultra Lotto 6/58 na may jackpot prize na P49,500,000.00 dahil walang nakatyamba sa 56 – 53 – 40 – 06 – 35 – 42 pero may dalawang winners naman ng P120,000.00, may 167 ang nanalo ng P2,000.00 at nasa 4,663 mananaya ang may P100.00.

Maaaring makuha ng winner ang kanyang checke sa PCSO main office sa Mandaluyong City at magpakita lamang ng dalawang valid ID at nanalong lotto ticket.

Ang mga sosobra sa P10,000 na Lotto winnings ay mayroong 20-percent tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.

Paalala pa ng PCSO na ang mga premyong hindi pa nakukuha sa loob ng isang taon ay maaaring ma-forfeit

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...