ARESTADO ang isang negosyante at online seller na ka live-in nito matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Cainta Drug Enforcement Team at makuhanan ng aabot sa ₱100-K halaga ng illegal na droga, Huwebes ng umaga sa Barangay San Isidro, Cainta Rizal.
Sa report mula sa tanggapan ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) Director PCol. Felipe Maraggun, nakilala ang mga arestado na sina alyas “David”, 36-anyos at live-in partner nito na si alyas “Jeni”, online seller, 29-anyos, kapwa residente ng Cainta, Rizal.
Ayon sa report, inaresto ang dalawa bandang 6:25 Huwebes ng umaga sa kahabaan ng Sumulong Highway, Sitio Balanti, Barangay San Isidro makaraang makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen kaugnay s illegal na pagbebenta ng droga ng mag-live in partner sa kanilang lugar.
Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang limang sachet ng plastic na hinihinalang naglalaman ng shabu na may tinatayang timbang na 15 gramo at nagkakahalaga ng ₱102,000.00.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cainta MPS custodial facility at sinampahan ng kasong paglabag sa section 5 and 11, Article II of R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022”.