33.4 C
Manila
Friday, January 10, 2025

De Lima kabado sa PI ng Kongreso

NAGBABALA ang dating senadora na si Leila de Lima kaugnay sa agresibong pagtalakay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isyu ng pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sa “The Agenda” media forum sa Club Filipino sa San Juan City, tahasang sinabi ng dating justice secretary ang kaniyang saloobin at pagkadismaya sa nangyayaring drama ngayon sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Sinabi ng senadora na ang buong akala niya OK na nang magkasundo ang senado at kongreso na kaniya-kaniya sila sa pagsasagawa ng hearing at mag-imbita ng mga eksperto bilang mga resource person.

Ayon kay De Lima: “Dapat na maging mapagmatyag tayo at ipahayag natin na tinututulan natin itong People’s Initiative (PI). Dahil hindi kailangan na amyendahan pa ang ating konstitusyon kung probisyong pang-ekonomiya lang naman ang isyu.”

Idinagdag pa ng dating justice secretary na posible aniyang pagsabayin ang plebesito at eleksyon kung talagang ipipilit ng administrasyon, ngunit giit niya na dahil may Supreme Court ruling na na hindi puwedeng pagsabayin kaya maaari aniyang madiskaril din ang plano ng mga nagsusulong nito.

BASAHIN  Mga Villar, sinisi ng resort owner, sa pagbaha sa Parañaque; DENR, inutil?

“Ibang-iba kasi ang perspektibo ng plebesito at eleksyon eh. Maaaring nakatuon ang pansin ng mga tao sa eleksyon kumpara sa plebesito. Paano ngayon maliliwanagan ang mga tao sa kung ano ang magiging pasya nila sa pag-amyenda ng konstitusyon?,” dagdag pa ni De Lima.

Ikinababahala rin ng dating senador na kapag aniya mabuksan na ang pag-amyenda sa economic provisions ng konstitusyon, posible na rin aniyang mabuksan ang iba pang gustong isingit ng mga pulitiko.

“Sa oras na mabuksan na itong amyendaconsitutional convention man yan o constituent assemblyanything goes. Yan ang nakakatakot dyan. Ang ibebenta nila sa mga tao ay economic provisions…but then again, pag nandyan na, wala ng magagawa ang mga tao,” giit pa ng dating justice secretary.

Isa pa sa mga ikinababahala ni De Lima ay ang isinusulong ng mga kongresista na 100% foreign ownership sa sector ng advertising at education. Maaari aniyang maapektuhan ang ating kultura at pagiging makabayan kapag ito ay pahihintulutan.

BASAHIN  Opisina ni Teves sa Kongreso, ipinasara na

“Delikado ito dahil paano kung papasukin ng mga Chinese ang ating educational system at isisingit ang kanilang mga propaganda. Kaya sa halip na kulturang Pinoy at pagmamahal sa inang bayan ang ituturo sa ating mga estudyante, siyempre ituturo nila na ang West Philippine Sea ay kanila,” ayon pa sa dating senadora.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA