33.4 C
Manila
Saturday, June 29, 2024

E-bikes, e-trikes, bawal na sa mga national road sa NCR

Nagpasa ng resolusyon ang Metro Manila Council kaugnay sa pag-regulate ng paggamit e-bike at e-trikes.

Kaugnay ito, ipinagbabawal na sa mga piling kalsada ng bawat local government units (LGUs) ang pagbiyahe ng mga e-bikes at e-trike, alinsunod sa napagkasunduan ng  MMC at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi naman ng pamunuan  ng MMDA na hahanapan nila ng lisensya ang mga mahuhuling drivers na papasada sa national roads at kung walang lisensya ay mai-impound ang e-bike at e-trike.

Kabilang sa mga tinukoy na kalsada kung saan bawal ang e-bike at e-trike ang Araneta Avenue, Recto Avenue, Pres. Quirino Avenue, Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA), Katipunan Avenue, Southeast Metro Manila Expressway, Roxas Boulevard, Taft Avenue, South Luzon Expressway (SLEX), Shaw Boulevard, Ortigas Avenue, Magsaysay Boulevard,.Aurora Boulevard, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, A. Bonifacio Avenue, Rizal Avenue, Del Pan, Marcos Highway, McArthur Highway, Mindanao Avenue at
Elliptical Road.

BASAHIN  Cainta LGU namigay ng fruit kiosk sa mga street vendors

Hahanapan na rin ng MMDA ng lisensya ang mga mahuhuling driver, at kung walang lisensya ay mai-impound ang kanilang e-bike at e-trike.

Papatawan ng kaukulang ₱2,500 ang mga lalabag sa naturang resolusyon.

BASAHIN  87 katao nasampolan, 19 sasakyan in-impound ng MMDA

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA