33.4 C
Manila
Sunday, September 29, 2024

Sam, Catriona, break na? Sina Catriona, Alden na?

MARAMI ang hindi naniniwala na magiging Bea Alonzo at Dominique Roque na ang kasalang Sam Milby at 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ito kasi ang kumakalat na balita sa social media at maging sa ilang YouTube channels. Ito kaya’y dahil nakikitang laging magkasama sina Catriona at Alden Richards?

Pero sinabi ni Ogie Diaz na maniniwala lamang siya kung sa bibig mismo ni Sam o Catriona manggagaling ang opisyal na pahayag.

Ilang beses kasi nakitang magkasama sina Alden at Catriona. Ito’y hindi sa personal na dahilan, kundi dahil sa trabaho — product endorser sila ng Sailun, isang kilalang brand ng gulong na gawa sa China.

Nais ng Alden-Catriona partnership na ipaalam sa publiko ang durability, safety, at affordability ng Sailun tires na unang ginawa noon pang 2002.

BASAHIN  Ibinasura! Apela ng TAPE sa IPO

Sa totoo lang, nakatanggap ang Sailun ng certifications dahil sa mataas na kalidad nito, gaya ng ISO9001 Quality Management System Certification, ISO14001 Certificate of Environmental Management System, ISO/TS16949 Certificate, Certificate for China Compulsory Product Certification, EU ECE certificate, US DOT certificate, INMETRO certificate of Brazil, SIRIM certificate of Malaysia and the SOCAP certificate of Nigeria.

Dahil sa patok na endorsers sina Alden at Catriona, pati na rin sa kahanga-hangang safety record ng Sailun, tiyak na magiging paborito ito hindi lang mga may-ari ng kotse, pati na rin trucks at iba pang commercial vehicles.

BASAHIN  Kasal nina Bea Alonzo, Dominic Roque, kanselado

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA