MARAMI ang mawawalan ng trabaho, magpapabagal sa ekonomiya, at pwedeng mag-resulta sa inflation.
Ito ang pananaw ni Sec. Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority (NEDA) tungkol sa planong itaas ang arawang sahod sa ₱100 sa pribadong sektor.
Pwede rin daw dumami ang mga mawawalan ng trabaho mula sa 100,000 hanggang 340,000 manggagawa.
“We are not saying that we are against any increases in wages, in fact, … we would want some improvement in wages, but we would rather have those wages negotiated on the regional level because… firms and workers and the [economic] situation across the country are so different,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni Sen. Chiz Escudero na sa mga malalaking negosyo na may kabuuang kita ng ₱1.1 trilyon kada taon, ang dagdag-sweldo ay 14 percent lamang na kabawasan sa kanilang kita. At hindi mandatory ang wage increase sa maliliit na negosyo.
Ayon sa isang observer, dahil wala naman maipakitang datos ang mga malalaking kompanya na sumusuporta sa pangangatwiran ng NEDA, tila anti-poor ang pagkontra sa wage hike para dumami ang mga magugutom.