UPANG mas mailapit at mas madaling maipaabot sa mga residente ang iba’t ibang serbisyo, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City kamakailan ang ‘People’s Day sa Barangay’ caravan.
Ito’y bilang bahagi na rin ng month-long commemoration ng 26th Charter Day ng lungsod.
Tampok sa caravan ang ilang mga booth at help desk na nag-aalok ng mga libreng social service, kabilang ang legal consultation,, wifi at pag-print, medical assistance payouts, burial assistance payouts, libreng konsultasyon sa mga opisyal ng City Hall, open forum, libreng tinapay at kape at isang help desk ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Ayon kay Valenzuela City Mayor WES Gatchalian, layunin ng “People’s Day sa Barangay” caravan na isulong ang inclusivity at accessibility sa mga serbisyong panlipunan.
Aabot sa 159 benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong medikal, pitong residente ang nakatanggap ng burial assistance at isa naman ang nabigyan ng walker.
Bukas ang caravan mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.