33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Medical Cannabis Bill maipapasa na sa Kamara

PAG-UUSAPAN at pagbobotohan na sa plenaryo ng House of Representatives ang medical cannabis bill.


Ito ay matapos maglabas ng joint report ang House Committees on Dangerous Drugs at Health.


Nilinaw ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na yaon lamang mga doktor na accredited ng itatayong Medical Cannabis Office (MCO), ang magiging awtorisado para magreseta ng marijuana sa kanilang pasyente.


Tanging ang MCO lamang ang pwedeng mag-accredit sa mga botika, ospital, clinic at iba pang pagamutan na papayagang magbenta gamot na may CBD. Ang CBD ay isang strain ng marijuana na non-addictive.


Ayon pa kay Villafuerte, sa ilalim ng panukala, tanging ang non-addictive CBD mula sa marijuana (cannabis sativa) ang aalisin sa listahan ng criminalized drugs. Samantalang ang Indian hemp (marijuana) hindi aalisin sa talaan dangerous o illegal drugs sa ng Republic Act No. 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

BASAHIN  Teves, kinasuhan sa pagpatay kay Degamo Degamo camp, tatakbo sa nabakanteng pwesto


Sa ngayon, para makakuha ng CBD ang mga kwalipikadong pasyente, pwedeng kumuha ng “compassionate special permit” (CSP) mula sa Food Drug Administration (FDA).

BASAHIN  Kaso ni Dr. Iggy Agbayani, muling pag-aaralan ng SC

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA