UNCONSTITUTIONAL, ILLEGAL!
Ganito inilarawan ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pakikialam ng mga senador at kongresista sa tungkulin ng DSWD sa kanilang pamimigay ng ayuda.
Gumawa ng batas. Ito raw ang obligasyon ng mga mambabatas.
Ayon kay Lacson, ang panghihimasok ng mga mambabatas sa pagbibigay ng ayuda gaya ng “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers” (TUPAD) at “Assistance to Individuals in Crisis Situation” (AICS), ay labag sa konstitusyon at maging sa batas.
“Hindi lang sa ‘di obligasyon ng congressmen at senator mag-distribute ng TUPAD, AICS at kung anu-ano pa. Illegalyan, bawal `yan. Kasi ang papel ng Kongreso sa budget process, ang budget authorization, pag-legislate. Hindi puwede mag-implement,” dagdag ni Lacson.
Kahit ilegal ang ginagawa ng mga mambabatas, animado si Lacson na walang sinoman ang may lakas ng loob para magsampa ng reklamo sa Ombudsman o maging sa korte.