33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Manyakis na fitness instructor, timbog

Arestado ang isang fitness instructor na paulit-ulit na tsansingan ang menor de edad na babae sa Caloocan City.

Ito’y matapos ireklamo ng mga magulang ng bata ang akusadong si alyas “Yuri”, 35-anyos, binata.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Caloocan police Chief Col. Ruben Lacuesta ang pagtugis sa akusado, na kabilang sa listahan ng mga itinuturing na Most Wanted Person sa lungsod.

Nitong Pebrero 14 nang madakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) si alyas “Yuri”, sa kanyang tinutuluyang bahay sa 65 G. Martinez Ext Kapanalig St. Caloocan City.

Isinilbi sa akusado ang arrest warrant na inilabas noong Pebrero 1, 2024, ni Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Brioes ng Caloocan City Family Court Branch 1 para sa limang bilang na kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Sec. 5 (B) ng R.A. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act”.

BASAHIN  Mga guro sa Marikina, makakaranas ng long vacation

Binigyan siya ng hukuman ng pansamantalang kalayaan at paglalagak ng piyansang ₱1,000,000.

BASAHIN  Mahigit 9,000 trabaho, alok sa Mega Job Fair sa Caloocan City

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA