Nag-abiso ang Maynilad Water Services Inc., na magpapatupad sila ng water service interruption sa ilang barangay sa Quezon City.
Magsisimula ito bukas, Pebrero 19, na posibleng tumagal hanggang sa araw ng Linggo, February 25.
Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ang Barangay NS Amoranto, Paang Bundok, Maharlika, Kapri, Balong Bato, Baesa, Nova Proper at Nagkaisang Nayon.
Paliwanag ng Maynilad, bunsod ito ng kanilang isasagawang pressure tests na bahaging kanilang serbisyo sa West Zone.
Kaugnay nito, hinihikayat ng Maynilad ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon ng sapat na supply ng tubig.
Naghanda rin ang Maynilad ng water tankers para magbigay ng tubig sa mga nabanggit na lugar.
Related Posts:
90% korapsyon sa Pasig City winalis na
Mga Villar, huwag dedmahin ang illegal reclamation issue - Lao
Mayor Wes pinangunahan ang groundbreaking ng command center, turnover ng SWAT vans
Buhol-buhol na trapik, ngayong long weekend
Street heroes, nakatanggap ng maagang pamasko mula sa Camanava SM Malls
Halos 60 couples sa San Juan City, sabay-sabay ikinasal ngayong Valentine's Day
Libreng dialysis sessions, handog ng Navotas Hospital
HINDI pa tapos ang laban!