33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Mandaluyong nanguna sa National Achievement Test

NANGUNA ang Mandaluyong City Schools Division sa 2022-2023 National Achievement Test (NAT) na ginawa ng Department of Education (DepEd) noong June 2023.

Base sa datus ng DepEd, nanguna ang Grade 10 matapos makapuntos ng 58.90% sa mahigit 228 schools division offices sa bansa.

Proud naman sina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos sa achievement ng DepEd-Mandaluyong na patunay na malakas ang suporta at pagtitiwala ng Division at city government para sa kinabukasan ng mga mag-aaral na mabigyan ng de-kalidad na edukasyon.

Samantala, nagpakita naman ang City of Mandaluyong Science High School (CMSHS) ng academic excellence sa pagkuha ng top four top performing school sa bansa na may puntos na 77.65 MPS.

BASAHIN  Aktibong pamahalaan, kailangan – VP Sara

Ang NAT G10 ay isang exit assessments na ginagawa para sa mga Grade 10 ng DepEd  sa 10,725 public and private schools sa bansa bilang isang paper-based test.

Lalabas ang natutunan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng problem solving, information literacy, at critical thinking sa English, Mathematics, Science, Filipino at Social Studies.

BASAHIN  Mayor Belmonte, Rep. Tiangco, top performers sa NCR

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA