33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

90% korapsyon sa Pasig City winalis na

ISINIWALAT ni Pasig City Mayor Vico Sotto na halos 90% ng korapsyon sa Pasig City ay winalis na mula nang maupo siya bilang alkalde noong 2019.

Sinabi pa ni Sotto na 30% sa bawat proyekto ay may Standard Operating Procedure (SOP) kahit na noong konsehal pa siya.

“’SOP’ seems to be easy to ignore, but when you get there, it’s difficult and you may be eaten up by the system. 20% of the 30% goes to the high position and the 10% goes to the ‘others,’” ang pahayag ng alkalde sa mga dumalo sa “Aguhon Leadership Summit 2024” na ginanap ngayong araw sa Tanghalang Rizal sa Rizal High School sa lungsod.

Nilinaw nito na ang ₱1 billion ng ₱5 billion ng isang local government unit (LGU), by “conservative estimate” in cash at walang ebidensya na napupunta sa corruption.

“The question is that how we end up with ₱1 billion for an LGUs goes to corruption,” sinabi pa ni Sotto na sa maliit na bagay nagsisimula ang corruption.

BASAHIN  Pag-iisyu ng TIN ID cards ng BIR, dapat higpitan - Gatchalian

Unang tumakbo si Sotto bilang mayor ng Pasig City noong 2019 at may naipakulong na umano na mga empleyado city hall ang kaniyang administrasyon dahil sa pangungurap.

Sinabi pa ni Sotto na wala siyang kasagutan sa mga katanungan pero may natutunan siya sa nangyari.

Mahalaga rin umano na dapat na maging handa muna sa sistema ang isa at dapat nasa tamang landas at paghahanda sa maaaring mangyari bago pumasok sa  government service.

Kuwento pa ng alkalde na noong baguhan pa lamang siya bilang Pasig City Mayor ay mayroong grupo ng mga negosyante ang nakipag-appointment at kumausap sa kanya na pilit na nanunuhol subalit hindi sila nakalusot sa tibay ng landas na tinatahak ng alkalde.

Ibinida pa ni Mayor Vico kung bakit siya nagtagumpay sa kanyang good governance sa Pasig City ay dahil sa ginawa niya itong mag-isa.

“Good governance is a challenging good topic, and it’s difficult to achieve,” ayon pa kay Sotto.

BASAHIN  300,000 jeep nagbanta ng tigil pasada sa Lunes - Manibela 

Naroon sa nasabing pagtitipon sina Anti-Red Tape Authority Deputy Director General Undersecretary Gerald Divinagracia, House of Representatives Chief of Political Affairs Jayel Balago, at Taytay Councilor Tobit Cruz ganun din sina Angat Buhay Executive Director Ralph Ruben Morales, Pasig City SK Federation Chairperson KC Costillas, Aguhon Youth Head Felicity Payumo, at 500 kalahok na mga kabataan mula sa iba’t ibang sektor.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA