NASAKOTE ng Pasig Police ang dalawang high value individual matapos malaglag sa ikinasang buy bust operation at makuhanan ng mahigit P374-M halaga ng shabu, kamakalawa ng gabi sa Barangay Palatiw.
Sa report na nakalap sa tanggapan ni Pasig City Police Station chief, PCol. Celerino Sacro, nakilala ang dalawa na sina alyas “Aries”, 25-anyos at alyas “Aldrin”, 43-anyos, kapwa residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Ayon sa report, inaresto ang dalawang suspek bandang 9:30 Huwebes ng gabi sa kahabaan ng E. Santos St., Barangay Palatiw matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at San Miguel Police Sub-Station (SS6), katuwang ang Pasig City Anti-Drug Abuse Office (PCADAO) matapos ang pakilipagtransaksyon sa mga suspek para makabili ng illegal na droga.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na six transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 55 gramo at nasa ₱374,000.00 ang halaga, isang coin purse, ₱500 genuine bill at 14 piraso ng boodle money.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.