33.4 C
Manila
Saturday, June 29, 2024

Eddie Garcia Bill maipapasa na ng Senado —Jinggoy

NAKATAKDA nang ipasa ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo ang Eddie Garcia Bill, ayon kay Senador Jinggoy Estrada.


Sakop nito ang mga manggagawa sa pelikula, TV, radyo, at iba pang katulad na media.


“Kahit na pumanaw na siya, patuloy na gumagawa ng kasaysayan si Eddie… Ang kanyang pamana… ay tiyak na pakikinabangan ng kanyang mga kasamahan sa industriya,” ayon kay Estrada, chair, Senate Committee on Labor at nagpanukala ng Senate Bill (SB) No. 2505 o ang Eddie Garcia Law.


Matatandaang naaksidente si Garcia noong Hunyo 8, 2019, dahil bumagsak siya matapos mapatid sa isang kable sa shooting ng GMA-7, na-coma at nasawi siya sa ospital noong Hunyo 20, 2019.


Kapag naisabatas, maggagarantiya ito ng oportunidad para sa magandang trabaho, disenteng kita, at proteksyon laban sa pang-aabuso, pinalawig na oras sa trabaho, harassment, mapanganib na kondisyon sa trabaho, at economic exploitation, sa mga nasa industriya.

BASAHIN  Libreng college entrance exam para sa poor - Jinggoy


Mabigat ang trabaho sa movie at TV industries dahil madalas na umaabot hanggang 36 oras ang shooting.


Bukod sa pagtatakda ng normal na working hours na mula 8-14 oras, o kabuuang 60 oras sa isang linggo, kasama rin ang mga probisyon para sa benepisyo sa kalusugan at accident insurance para matiyak ang kanilang proteksyon sa oras ng trabaho, at pinansiyal na tulong sakaling mamatay.


“Personal ko na layunin na tulungan ang ating mga kasama sa industriya ng pelikula, telebisyon at radyo. Kasama dito ang pagsisiguro ng kanilang kalusugan at kaligtasan upang maiwasan ang sakuna, sakit, o kamatayan dahil sa pagganap sa kanilang trabaho,” ani Estrada.

BASAHIN  Wb: Top 5 ang Pilipinas sa utang

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA