NAGLUNSAD ang PLDT kamakailan ng linya ng komunikasyon sa OWWA kung
may emergencies, at ito ay libre.
Tinawag ito ng PLDT na TINBO o Tindahan ni bossing.
Ang TINBO ay isang one-stop marketplace, pinapangyari na ang overseas Filipino worker (OFW) ay makabili ng cellphone load, makapagpadala ng food vouchers, e-gifts, healthcare PINs mula sa mWell at kahit na gaming PINs sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Sa TINBO, isinama ang helpline button na magpapangyari na ang isang OFW ay makakonekta sa OWWA Helpline 1348, gamit ang online or web-based calls, nang mabilis at ligtas. Dapat lamang mag-log-in ang TINBO users sa kanilang sariling account at i-click ang kanilang rehistradong Smart Virtual Number para ma-access ang OWWA Helpline 1348 button.
Paano nga ba makapagrehistro sa TINBO?
- Gamit ang inyong smartphone, magtungo sa tinbo.ph at magregister; ito’y libre.
- Kunin at i-save ang inyong Smart Virtual Number pagpasok ninyo sa
OTP —mula sa inyong registered number — i-input ito sa TINBO. - Pwede kayong mag-sign-up sa Maya — isang online payment account
—gamit ang TINBO, kahit na saang panig kayo ng mundo.