33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

Bea Alonzo, lumipad pa-Singapore sa harap ng hiwalayan blues

MATAPOS sumabog ang kontrobersiyal na hiwalayang Bea Alonzo-Dominic Roque, namataan daw si Bea kasama ang pamilya sa Singapore kamakailan.


Nitong Peb. 10, nag-upload sa Instagram ang fan group ng aktres na kung saan, nakikita ito at ang pamilya na namamasyal sa isang mall sa Singapore.


Maliban dito, wala ng anomang impormasyon ang tungkol sa byahe ni Bea, bukod sa ito’y itinaon sa pagdiriwang ng Chinese New Year.


Matatandaang umugong ang tsika sa social media dahil sa hiwalayan. Nitong Peb. 6, kinumpirma ito ni Boy Abunda sa kanyang program sa GMA-7 na “Fast Talk with Boy Abunda”.


Ayon sa lumabas na report sa mainstream at social media, may third-party involved sa hiwalayan, matapos paimbestigahan ng pamilya ni Bea ang background ni Dominique. Nagtataka sila kung bakit nakatira si Roque sa isang high-end condominium at masyadong maluho ang lifestyle nito, kahit walang nakikitang ebidensya na kumikita siya ng malaki.

BASAHIN  Kasal nina Bea Alonzo, Dominic Roque, kanselado

Ayon sa report, nali-link diumano si Dominique sa isang barakong pulitiko sa Quezon City na siya ring may-ari ng high-end condominium na tinitirhan ng aktor.


Matindi ang epekto ng hiwalayang ito dahil kasali na rin ang kanselasyon ng kanilang kasal na nai-propose ni Dominique noong Hulyo 2023.


Totoo nga bang may sugar daddy si Dominique na beke? Kung hindi ito totoo, unfair naman ang breakup na ito.


Sana magbigay si Dominique ng opisyal pahayag para maitigil na ang mga
espekulasyon tungkol dito.

BASAHIN  ‘Sugar daddy’ raw ni Dominique, sangkot sa hiwalayan issue?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA